Iba’t-ibang mga istorya ang ating naririnig patungkol sa mga delivery rider. Kamakailan lamang nito ay mayroong rider ng Lalamove na nagngangalang Anacleto Flores Lihayhay ang nag pick-up ng isang package mga bandang alas onse ng umaga sa labas ng isang bahay. Hindi nya namalayan na nahulog pala ang kanyang pitaka.

Napulot naman ni Hannibal Damasco ang pitaka ng rider. Nakuhanan naman ng CCTV ang pangyayari. Ayon sa nag-upload ng video Christy Aquino Eusebio na pinsan ni Damasco, biniro pa raw umano ni Damasco ang rider nang bumalik ito upang hanapin ang kanyang pitaka. Nagpakunwari umano si Damasco na hindi nya Nakita ang wallet.

Dahil nalungkot at naghina ang rider sa sinabi ni Damasco ay agad nyang binawi ang kanyang biro at sinabing napulot nya ang pitaka nito. Napayakap naman ang rider sa kanya noong ibinalik nya ang wallet.

Umiwas pa umano sana si Damasco sa yakap ng rider dahil natakot sya dahil sa pandemic ngayon. Ngunit labis ang pasasalamat at tuwa ng rider na binalik sa kanya ang nawalang wallet. Emosyunal pa umano si Lihayhay.
Mayroon pala umanong per ana 3,000 piso na inutang pa ni Lihayhay para pang abono sa pagbili ng service para makapagtrabaho.

Ang naupload na video na kuha ng CCTV ay umabot na sa mahigit 30k reactions, 1.5K comments at 16K shares dahil marami talaga ang naantig sa reaksyon ni Lihayhay sa ginawa ni Damasco.
“Nakaka-touch ng puso. Lalo na yung pagyakap ni kuya Lalamove ramdam mo ‘yung tuwa at dahil sa tuwa niya napayakap siya kay kuya kasama na doon ang pasasalamat niya at alam kong tuwang-tuwa din si kuya dahil naibalik niya sa tunay na may-ari ang gamit. God bless to both of you”, saad ng isang netizen.

Kahit maliit man na tulong ang pagbabalik ng bagay na napulot, isa itong malaking utang na loob at pasasalamat sa parte ng may-ari dahil hindi lamang basta-basta gamit ang naibabalik ngunit naipapadama mo ang pagpapahalaga sa kapwa.