Sponsored Links

Simula noong naging Mayor si Francisco Moreno Domagoso o mas kilala bilang si Isko Moreno ay marami ng mga pagbabago ang nangyari sa Maynila. Marami ang sumuporta sa kanyang kandidatura na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging Mayor ng Lungsod ng Maynila.

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

Dahil na rin sa kanyang mahabang experience sa politika, naging mahusay si Moreno sa pamamalakad ng lungsod. Nagustuhan sya ng marami at naging epektibo siyang mayor.

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

Samantala, nito lamang ay pininakita ni Mayor Isko ang kanyang proyektong pabahay sa mga taga Baseco. Ito ay ang magaganda at malalaking in-city townhouse project sa Baseco Compound, Tondo.

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

Masaya ang mayor sa naging resulta ng construction at banggit pa nya, “Yamanin na ang mga taga-Baseco!” Hindi pa naman tapos ang nasambit na proyekto, ngunit ipinasilip na ito ni Mayor Isko kung gaano ito kaganda. Ang mga in-city townhouses na ito ay inilalaan para sa mga informal settlers at renters.

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

Sa Facebook post ng mayor, “Unti-unti na pong natutupad ang pangarap ko para sa inyo, mga Batang Maynila. Ito na po ang development para sa ating tinatayong in-city townhouse project sa Baseco!”

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

“Masaya ako at excited ako para sa inyo, loobin nawa ng Diyos na matapos agad ito para magamit niyo na po ito kaagad. Kaunting hintay nalang po, mga minamahal kong kababayan. Hindi po porket mahirap ang ating pamumuhay ay hindi na tayo magkakaroon ng pag-asa sa ating buhay. Yamanin na ang mga taga-Baseco!” pahayag pa nito.

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

Samantala, bukod pa sa mga townhouses na ito sa Baseco compound, mayroon pang ibang mga murang pabahay na inooffer sa mga informal settlers at renters ng Maynila. Sa Vitas Street sa Tondo ay mayroong vertical housing projects na Tondominium 1 at 2, at Binondominium 1 at 2 sa Binondo.

credit to Manila Mayor Isko Moreno | Facebook

Ayon sa mayor ay open ang pabahay sa mga tao ngunit mas nasa priority ang mga low-income occupants dahil mahal na ngayon ang mga paupa sa mga pabahay. Tiyak na matutuwa na naman ang mga taga Maynila sa proyektong ito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here