Sponsored Links

Makabagong bayani kung maituturing an gating mga kababayang nakikipagsapalaran sa ibang bayan upang makatulong at maiahon sa kahirapan ang kanilang mga pamilya. Ang mga Overseas Filipino Workers ay hindi lamang nakakatulong sa kanilang pamilya kundi parin narin sa bansa. Malaki ang naiaambag nila sa ekonomiya dahil sa malaking kinikita.

Photo credit to Merry Rose Molo Tumonog | Facebook

May iba namang hindi rin mapala sa kanilang pagdayo sa ibang lupain makahanap lamang ng magandang buhay. Marami din naman ang mapalad na nakakahanap at nakakatagpo ng mababait na amo kagaya ng OFW na si Merry Rose Molo Tumonog.

Si Merry ngayon ay isang OFW sa Hong Kong. Ibinahagi nya ang nakamit na tagumpay sa ilang taong paghihirap at pagsusumikap na mapalayo sa pamilya para lang magtrabaho sa ibang bansa. Nakapagtrabaho na daw sya sa Jordan, Kuwait, at Cambodia.

Photo credit to Merry Rose Molo Tumonog | Facebook

Sulit na sulit ang kanyang pagpapagal dahil nakapundar na umano si Merry ng lupa, bahay, motor, tricycle, at negosyo sa dagat dahil sa 21 taong gulang palang daw sya ay nagtrabaho na siya sa ibang bansa.

Inalala ni Merry na sobrang hirap daw ng kanilang buhay noon dahil tricycle driver lang ang kanyang ama, at nagbabantay lamang sa palengke ang kanyang ina at 12 daw silang magkakapatid ni Merry. Pinagkakasya lang daw umano nila ang kinikita ng mga magulang sa kanilang mga pangangailangan.

Photo credit to Merry Rose Molo Tumonog | Facebook

Nagnais daw mag aral sa kolehiyo ni Merry kahit na hindi suportado ng kanyang ama. Ayon sa kanya, nagsumikap sya at naghanap ng paraan upang maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Hindi naging balakid kay Merry ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan at naging inspirasyon pa nya ito upang maging malakas at matatag sa buhay. Hindi naman nya pinagsisihan ang pangingibang bansa dahil malaking tulong umano ito sa kanya at kanyang pamilya.

Photo credit to Merry Rose Molo Tumonog | Facebook

Hindi nga madali na nakamit ni Merry kung anong mayroon sya ngayon, ngunit isang tagumpay na maituturing ang kanyang pagiging isang OFW.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here