Home News Batang 9 taong gulang, isinauli ang napulot na pouch na naglalaman ng malaking pera at mga importanteng dokumento

Batang 9 taong gulang, isinauli ang napulot na pouch na naglalaman ng malaking pera at mga importanteng dokumento

0
Batang 9 taong gulang, isinauli ang napulot na pouch na naglalaman ng malaking pera at mga importanteng dokumento
Sponsored Links

Sa gitna ng krisis at mga suliranin na nangyayari sa ating palibot, may mga tao pa rin na hindi nawawala ang kabutihan sa puso, pagtulong sa kapwa at pagiging tapat.

Naging viral ang batang si Gernan Jay Garcia pagkatapos nitong isauli sa police station ang kanyang napulot na isang pouch na naglalaman ng napakaraming pera. Si Gernan ay Grade 4 na mag-aaral ng Alfonso Lista Central School sa Alfonso Lista sa Ifugao.

credit to Pnp Ifugao Alfonso Lista

Marami ang humanga sa kanyang katapatan dahil sa kabila ng walang ibang nakakaalam na mayroon syang napulot na pouch na naglalaman pala ng 34,000 pesos at mga mahahalagang dokumento sa banko, at mga ID, ay mas pinili nitong isauli sa police station ang napulot.

credit to Pnp Ifugao Alfonso Lista

Bumilib ang mga pulis sa kanyang katapatan kaya naman ay ibinahagi ang kanyang kwento ng kabutihan sa kanilang Facebook page. Ayon sa post ng Pnp Ifugao Alfonso Lista, “When you are able to maintain your own highest standards of Integrity- regardless of what others may do- you are destined for GREATNESS.”-Napoleon Hill.

Sa hirap ng buhay ngayon, maaring magkaroon ng temtasyon ang sinumang makakapulot ng ganuong halaga. Maaring kung sa ibang kamay napunta ang pouch ay baka hindi na naisauli sa may-ari ang mga importanteng dokumento at pera.

credit to Pnp Ifugao Alfonso Lista

Sumunod na araw pagkatapos na ibinigay ni Gernan ang napulot na pouch, nabalitaan naman ito ng may ari at agad na pinuntahan ang naturang police station.

Labis ang saya at pagpapasalamat ng may-ari ng pouch dahil nakuha nyang muli ang kanyang pera lalo na ang mga mahahalagang dokumento sa bangko at ang kanyang mga ID. Pinuri nya ang kabutihan at katapatan ni Gernan at binigyan din ito ng gantimpala dahil sa pagbabalik ng pouch.

credit to Pnp Ifugao Alfonso Lista

Sa murang edad ni Gernan, masasabing napalaki sya ng maayos ng kanyang mga magulang. Sana ay marami pang katulad nya na bata dahil ang kanyang gawa ay isang mabuting ehemplo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here