Sponsored Links

Kahit sa anong larangan, subok na talaga ang galing ng Pinoy, kaya naman masasabi mong proud ka bilang isang Pilipino.

Samantala, isang napakahusay naman na imahinasyon ang ipinamalas ng isang netizen sa kanyang mga gawang kakaibang cellphone cases na naging viral ngayon sa social media.

credit to Rhica Obien | Facebook

Magugutom ka talaga kapag Nakita mo ang mga phone cases na ito na may iba’t-ibang disenyo ng mga ulam at pagkain kagaya na lamang ng bulalo, taho, at noodles.

credit to Rhica Obien | Facebook

Ito ay gawa ni Rhica Obien at hindi nya umano akalain na ganun na lamang ang magiging reaksyon ng mga netizens sa kanyang disenyo. “Sobrang nagulat po ako, kasi ‘di ko po expected na magugustuhan nila ‘yung idea. Bago ko kasi ito i-post, ilang days itong naka-save lang sa photo gallery ko. Iniisip ko kung ipo-post ko po ba o ‘wag na lang. I’m afraid na baka wala pong magkagusto sa design ko,” bangit ni Rhica.

credit to Rhica Obien | Facebook

“I always want to have different and unique phone cases, but unfortunately wala akong makita o magustuhan online. Kaya one time, bigla ko na lang po siyang naisip na, why not try Filipino food since wala pa naman po ako so far na nakikitang Pinoy food phone cases. And aside from that mahilig po talaga akong kumain,” pahayag ni Rhica.

credit to Rhica Obien | Facebook

Ang mga cellphone cases na ito ay gawa sa polymer clay, acrylic paint, at resin. Makikita na mukhang totoo ang mga pagkain sa phone cases at tila ay natapunan ito ng pagkain.

Maliban pa sa mga phone cases ay gumagawa din si Rhica ng mga DIY miniature kits sa mga gusting gumawa ng kanilang sariling disenyo at accessories.

credit to Rhica Obien | Facebook

Sa ngayon ay umabok na sa 15k reactions at 1.9k shares ang kanyang orihinal na post sa Facebook na nagpapakita ng mga phone cases ng pagkain.

“Focus lang tayo sa pangarap natin at dedmahin ang mga bagay na ‘di makakatulong sa pag grow mo. #laban!”, saad pa ni Rhica.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here