Home News Batang naglalako ng gulay, emosyunal dahil nakatanggap ng bagong bisikleta sa isang police trainee

Batang naglalako ng gulay, emosyunal dahil nakatanggap ng bagong bisikleta sa isang police trainee

0
Batang naglalako ng gulay, emosyunal dahil nakatanggap ng bagong bisikleta sa isang police trainee
Sponsored Links

Isang nakaka-inspire at nakaka-good vibes na kwento ang ibinahagi sa I Love PNP Facebook page. Isang batang naglalako ng gulay sa Rosario, La Union ang masuwerteng nabigyan ng bisikleta ng isang mabait na police trainee sa kanilang lugar.

Kinilala ang police trainee na si Patrolman Joshua Ensano Dimaiwat. Bumili umano ito ng bisikleta upang mas mabilis nyang marating ang kanilang tanggapan at ganun din upang mabilis na makauwi sa kanyang tinutuluyan. Dahil kinailangan na nya lisanin ang lugar kung saan sya nadestino, naisipan na nalang naniwan ang bisikleta at ipamigay kaysa naman ibenta o dalhin nya pauwi.

credit to I Love PNP | Facebook

Naging mapalad naman ang batang naglalako ng gulay dahil sya ang napili na bigyan ni police Dimaiwat ng kanyang bisikleta. Bago pa lamang umanong nabili ang bisiketa at ilang buwan pa lamang itong nagagamit.

Naging emosyonal ang batang si Gabriel dahil hindi nya inaasahan ang matatanggap. Nagpapasalamat din ang kanyang ina dahil malaking tulong umano ang bisikleta para sa paglalako ng bata ng mga panindang gulay. Mas madali nan yang mararating ang mga lugar na kanyang pinupuntahan upang maglako.

credit to I Love PNP | Facebook

Bukod pa sa bisikleta, nag-abot din ng pinansyal na tulong ang police trainee para sa pamilya ni Gabriel para pandagdag sa kanilang pangangailangan.

“Sir, Patrolman Joshua Ensano Dimaiwat lalo kang pagpalain ng Panginoon at ingatan saan ka man dako ma-assign . May God bless you, sir”, komento ng isang netizen.

“Sir, salamat sa maganda mong ginawa. Pagpalain ka ng Diyos nawa’y malayo pa ang marating mo at saludo ako sa mga kagaya mo na matulungin sa kapwa, ramdam ang hirap ng kapwa!! God bless.” dagdag pa ng isang napahanga.

credit to I Love PNP | Facebook

Si Dimaiwat ay tubong San Francisco, Iriga City at isa sa mga police trainees ng Rosario PNP Statio. Siya baguhan na nagta-training sa Regional Training Center 1, Aringay, La Union at miyembro ng ALAB-BALASIK CLASS 2020-02 Aviation Group.

Sana ay marami pang katulad nya ang makatulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here