Sponsored Links

Kung ikaw ay mahilig sa soap opera at mga palabas na nakaka-antig ng damdamin, tiyak na maiiyak ka rin sa mga eksenang masasaksihan na muling magkikita ang mag-inang nagkahiwalay ng matagal na panahon.

Naging viral ang mga larawan at balita sa China pagkatapos na napag-alaman ng ina ng groom na ikinakasal na ang bride pala ay ang kanyang matagal nang nawawala na anak. Ito ay hindi soap opera kundi makatotohanang pangyayari.

Nagmistulang isang pelikula at drama ang kasalan sa Suzhou, China dahil sa araw mismo ng kasal ay napansin ng ina ng groom ang isang birthmark sa kamay kanyang magiging daughter-in-law na kahawig talaga ng kanyang anak na mahigit 20 taon ng nawawala.

Dahil hindi sya mapakali, nagtanong talaga ito sa mga magulang ng bride kung adopted ba nila ang babae na pakakasalan ng kanyang anak. “Did you, by any chance, adopt your daughter?” Nagulat ito noong nalaman nya na adopted nga ang bride.

Hindi naman naidetalye kung paano nagkahiwalay ang mag-ina ngunit matagal na panahon din umano na hinanap ng matanda ang kanyang pinakamamahal na anak. Hindi nya akalain na doon nya mahahanap sa kasal mismo ng kanyang anak.

Marami naman ang nagtatanong kung magkapatid ang bride at ang groom, at nagulat din sila dahil adopted din ng babae ang groom pagkatapos na nawala ang kanyang tunay na anak-ang bride.

Labis ang pag-iyak ng mag-ina dahil pagkaraan ng 20 taon ay nagkita silang muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi lamang kasalan ang nangyari ngunit isang malaking reunion para sa mag-ina.

Sa kabila ng mga rebelasyon na nalaman, tuloy pa rin ang kasalan at naging masaya ito at mas makabuluhan dahil nakompleto nang muli ang nagkahiwalay na mag-ina.

Marami naman sa mga nakadalo sa kasal ang namangha at naiyak din sa pangyayari. Tunay ngang hindi makakalimutan ang araw na iyon para sa kanilang mga pamilya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here