Sponsored Links

Ang pag-iisang dibdib o kasal ay isa sa mga pinakamahalagang araw sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Ito ay nagpapatunay ng kanilang panghabang-buhay na pangako na magiging karamay sa anumang panahon ng buhay ang bawat isa.

May mga tao na gusto ng magarbo at engrandeng kasal, subalit may iba naman na nais lamang ng simpleng kasalan, basta’t ang mahalaga ay ang araw-araw na pagsasama ng maayos, matiwasay, at payapa.

credit Pete Figueroa | Facebook

Marami ang mga inihahanda sa kasal, bukod pa sa mga handang pagkain at inumin na pagsasaluhan ng mga bisita, naghahanda rin ng mga souvenirs o giveaways ang ikinakasal ayon sa kanilang nais na ipamigay.

Samantala, isang kakaibang giveaways sa kasal ang ibinahagi ng isang wedding coordinator na si Pete Figueroa na nag-asikaso ng kasalan ng kanyang kliyenteng sina Jonas Buhay at Abigael Sablas.

credit Pete Figueroa | Facebook

Ayon kay Pete, kapwa nagtatrabaho sina Jonas Buhay at Abigael Sablas sa Department of Agriculture (DA). Upang makatulong umano na mai-promote ang mga produktong lokal lalo na sa agrikultura, ginawa nila itong maging bahagi ng kanilang kasal.

Ayon sa post ni Pete na wedding coordinator, “My dearest couple both working under the Department of Agriculture are devoted in helping the farmers, hence the agriculture concept of the wedding. Support our farmers. Buy local, eat local”.

Dagdag pa ni Pete, “A different approach to traditional wedding giveaways, this time we wanted to give organic farm produce to our guests and to support our farmers.”

credit Pete Figueroa | Facebook

Tunay ngang kakaibang giveaways ito sa mga dadalo ng kasal ni Jonas Buhay at Abigael Sablas. Maraming mga netizens ang namangha sa ginawa ng newly-wed couple. Hindi lamang nila natulungan ang mga magsasaka, nakatulong din sila sa kanilang mga bisita dahil mapakikinabangan talaga ang mga giveaways na mga gulay at mga prutas sa bayong.

“Loved this. Sana dumami pa ang mga gumagawa nito. Bayong can be used para mamalengke. Really great idea”, ayon naman sa komento ng isang netizen.

Nagulat naman si Pete dahil hindi nya inakala na magiging viral ang kanyang post sa social media. “Who would have thought that we would buzz major media networks by creating a wedding concept that aims to help the farmers”, saad pa nito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here