Home News Lalake, pumasok sa tatlong trabaho para lamang mabilhan ng laptop ang kanyang asawa na nagtuturo

Lalake, pumasok sa tatlong trabaho para lamang mabilhan ng laptop ang kanyang asawa na nagtuturo

0
Lalake, pumasok sa tatlong trabaho para lamang mabilhan ng laptop ang kanyang asawa na nagtuturo
Sponsored Links

Marami tayong naririnig na mga hinaing ng mga estudyante na sila ay nahihirapan sa kanilang pag-aaral lalo pa ngayon na may pandemya at panibagong sistema ng pag-aaral ang ipinatutupad. Wala pang eksaktong petsa kung kailan muli babalik sa normal na face-to-face na pag-aaral ang mga estudyante.

Samantala, hindi lamang mga mag-aaral ang nahihirapan sa panahon ngayon, marami ding mga guro ang nahihirapan sa pag-aadjust sa pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya, na marahil ay hindi pamilyar sa maraming mga guro.

credit to Shahrul Amri Ibrahim | facebook

Bukod pa rito, marami din ang mga guro na hindi sapat ang kinikita sa trabaho upang makabili ng sariling gamit sa pagtuturo sa ngayon.

Kagaya na lamang ni teacher Nurul Akma Abd Rashid, 25-taong gulang at nagtuturo bilang isang kindergarten teacher na walang sariling laptop upang magamit sa pag-gawa ng kanyang mga ituturo sa kanyang mga estudyante.

Sa kabilang dako, naging viral naman ang TikTok video ng kanyang asawang si Shahrul Amri Ibrahim dahil sa hindi inaasahang surpresa nito para sa kanya.

credit to Shahrul Amri Ibrahim | facebook

Si Shahrul Amri Ibrahim ay isang biomedical technician, ngunit kumuha pa ng ibang trabaho at sideline kagaya lamang ng pagiging delivery rider, at pagbebenta online ng kung anu-ano para lamang kumita ng extra na pera.

Naawa umano si Shahrul sa kanyang asawang si Nurul dahil kinailangan nya pang manghiram ng laptop sa kanyang mga co-teachers o kaya ay sa paaralan para makagawa ng kanyang mga lessons. Madalas ay hihintayin pa nyang makatapos ang iba ng kanilang gawain para makahiram na ito ng laptop.

“Even though she never complained or begged, I felt bad having to watch her go through the inconvenience of borrowing laptops from the school to finish her work,” saad ni Shahrul.

Hindi matiis ni Shahrul na makitang nahihirapan ang kanyang asawa kaya’t kahit secondhand lamang na laptop ay pinagsikapan nyang mabili upang mabigyan lamang si Nurul ng kanyang sariling magagamit.

“After being satisfied with the appropriate specifications for my wife’s job, I finally agreed to buy a used laptop,” pahayag pa ni Shahrul.

Bago paman umano ibigay ni Shahrul ang kanyang sorpresa ay naiyak na ang kanyang asawa.

“When I got home, I told her that there was a special surprise in the room before she found the laptop bag under the pillow and cried when she saw what was in the bag”, saad ni Shahrul.

Marami ang humanga sa pagmamahal ni Shahrul sa kanyang asawa at ibibigay ang lahat ng makakaya makita lamang si Nurul na hindi nahihirapan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here