Sponsored Links

Ang mga magulang ay walang ibang nais kundi ang mapalagay sa ligtas at maayos ang mga anak lalo na kapag sila ay sanggol pa lamang. Labis na pag-iingat at pag-aalaga ang ginagawa para maging malinis ang kapaligiran nito at mapalayo sa anumang sakit.

Subalit, may ibang mga gawain na nakagisnan na ng ibang mga magulang na hindi ligtas at hindi maganda sa sanggol, kagaya na lamang ng pagpapaligo sa sanggol gamit ang tubig na nilalagyan ng alcohol.

Maraming mga magulang ang nag-aakala na malilinis ng alcohol ang tubig at mapapatay nito ang mga mikrobyo. Subalit nagbigay ng babala at paalala ang isang doktor na si Doc Richard Mata sa pamamagitan ng kanyang online post.

Ayon sa post ni Doc Richard, “Hindi po advisable na lagyan ng isopropyl rubbing alcohol ang tubig panligo ng baby”, dahil umano ay madaling ma-absorb ng katawan ng tao lalo na ng katawan ng baby ang alcohol. Maaari din itong itong malanghap ng bata habang naliligo, at kapag umabot sa toxic level ay magiging sanhi daw ito ng comatose at iba pang side effects.

Napag-alaman ng doktor na marami pa rin umanong mga magulang ang gumagawa nito dahil nakaugalian na ito ng mga Pilipino dahil hindi umano nabigyan ng sapat na kaalaman. Kaya naman ay minabuti n ani Doc Richard na paalalahanan ang mga netizens gamit ang kanyang Facebook page kung saan sya araw-araw ay nagbibigay ng mga advice patungkol sa kalusugan lalo na ng mga bata.

“Alalahanin na ang baby ay maliit lang ang katawan kaya mas madaling tumaas ang toxic level ng alcohol sa kanilang katawan”, dagdag pa ng doktor.

Mas mainam na tubig at sabon na pang baby lamang ang ipaligo sa bata. Sa huli ay binawi naman niya ang pangamba ng mga gumagawa na nito dati.

“But don’t worry po sa gumagawa nito dati, wala namang long term effect yan as long as walang nangyari. Majority naman walang problema maliban sa kukunting kaso, na marahil talagang napadami.”

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here