Home News Viral Best Nanny, Pinay Domestic Helper milyonaryo sa bansang Dubai

Best Nanny, Pinay Domestic Helper milyonaryo sa bansang Dubai

0
Best Nanny, Pinay Domestic Helper milyonaryo sa bansang Dubai
Sponsored Links

Kilalanin si Rosie Vargas Villa ang milyonaryong best nanny sa bansang Dubai at ang kanyang pagsubok na pinagdaanan para makamtam ang tagumpay. Tubong Barotac Nuevo, Iloilo City si Rosie na minsan na din nagtrabaho sa ating bansa. Nakapag-aral at nakapagtapos naman siya ng kursong secretary pero kalaunan naisip niya magtrabaho sa ibang bayan.

Ilang bansa din ang napagtrabahuhan ni Rosie nariyan ang bansang Singapore, Hong Kong, at India, kung saan naging masalimuot ang kanyang pinagdaanan. Ayon sa kay Rosie – “Nung sa Hong Kong ako, dalawang employer ako doon. “Overworked naman ako kasi dalawang bahay ang tinatrabaho hanggang alas-dos [ng madaling araw] po ako. “Alas-kuwatro po [ng umaga] ako magising. Umpisa na naman. Two hours lang tulog ko.”

Nagkaroon din ng among French itong si Rosie ngunit sa hindi inaasahan pangyayari nawalan ito ng trabaho dahilan upang mawalan din siya ng trabaho. Ngunit sadyang mabait ang Panginoon, taong 2013 ng makapunta ng Dubai itong Rosie at doon nito nakilala ang among Argentinean-American na siyang naging dahilan ng kanyang pagkamit sa milyon premyo.

Sa kabaitan ng amo ni Rosie hindi niya ito iniwan hanggang ngayon at dahil na rin pamilya ang turing sa kanya ng mga ito minabuti niyang manatili sa amo. Isang araw isinali si Rosie ng kanyang amo sa isang online search na best Nanny. Sa kabutihang palad siya ang nagwagi dito mula sa 41 contestant na kasali sa nasabing programa. Tumanggap si Rosie ng 70,000 Dirhams o may katumbas na isang milyong piso.

Bagamat nagkamit ng malaking halaga hindi pa rin umuwi si Rosie sa Pilipinas at mas minabuting manatili sa kanyang amo at hindi iwanan ang kanyang mga alagang bata na siyang nagpalaki sa mga ito. Bagaman isa na siyang milyonarya ito lamang ang kanyang nasabi,.

“Wala lang iyan. Pero yung employer ko po talagang sobra pa sa milyon iyan, e.
“Iyan yung talagang dalhin ko habang buhay—yung mga employer ko, saka mga bata dahil sa magandang pagsasamahan namin dito. Parang yung puso ko dito.”

Napakaloyal ni Rosie dahil na rin sa magandang trato sa kanya, pati na rin ang kanyang mga alagang bata kung ituring siya ng mga ito ay bilang Auntie kaya naman nakakataba ng puso.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here