Sponsored Links

Kasabay ng pag-usbong ng  mga makabagong teknolohiya ay marami ding mga imbensyon na nagagawa ang ating mga kababayan. Ang iba ay maaring maging negosyo at ang iba naman ay maaring mapagkakitaan o makatulong sa pa ng araw-araw na Gawain. Sa panahon ngayon halos karamihan sa atin ay mayroon ng mga sasakyan. Hindi man kotse ngunit mga sasakyan na ginagamitan ng gasolina at malaki ang kabawasan nito sa ating budget.

Isang kakaibang imbensyon ang natuklasan ng isang lalaking nagngangalang Marcelo na mapatakbo ang kanyang motorsiklo gamit ang tubig o tinatawag niyang “water fuel”. Imbensyon na kung saan ay magiging malaking tulong sa mga gumagamit ng gasolina lalo na at panay ang pagtaas ng presyo nito. Isa din ang gasolina sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga tao lalo na ng mga nag-oopisina at gumagamit ng sasakyan.

Imbensyong gasolina gamit ang tubig? Tama ang iyong nabasa! Halinat tuklasin natin kung totoo nga ito.  Hindi na rin biro ang 10 taong iginugol ni Marcelo sa imbensyong ito ng water fuel. At sa kabila ng pag-pupursigi niya sa kanyang nais na magawa ay nagbunga nga ito. Gamit na niya ngayon ang kanyang water fuel na nakbawas sa kanilang gastusin.

Bakit ng aba tipid? Sa panahon ngayon halos 300 na ang pinakamababang gasolina ngunit sa water fuel na ito ay halos 30-35 pesos lamang ang magagastos mo. “Naisip kong gumawa ng ganito para makatulong din sa pamilya ko, para makatipid kami sa gastusin – lalo pat’t may mga anak ako. Maganda rin na makatulong ‘to na mabawasan ang polusyon.” Wika ni Marcelo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here