Home News Blessing ang grupo ng kabataang ito sa isang matandang inabandona ng pamilya matapos nila tulungan ito

Blessing ang grupo ng kabataang ito sa isang matandang inabandona ng pamilya matapos nila tulungan ito

0
Blessing ang grupo ng kabataang ito sa isang matandang inabandona ng pamilya matapos nila tulungan ito
Sponsored Links

Isang grupo ng kabataan ang pinuri online sa kanilang munting kabayanihang ipinamalas, matandang inabandona ng pamilya kanilang sinalolohan.  Ang kabataan mula sa Caloocan City ang naging daan upang mabigyan ng maayos na damit at pustura ang isang matandang 70 anyos at wala ng pamilya.

Larawan mula kay Shawn Mendoza | Facebook

Isang araw sa kanilang nakarinig ang grupo ni Shawn Mendoza ng ingay na tila ba umiiyak, kanila itong hinanap at ng matagpuan. Ang matanda ay walang saplot panay sugat at umaaray sa sakit. Nang makita ang sitwsyon agad itong tinulungan ng mga kaibigan ni Shawn at binihisan.

Larawan mula kay Shawn Mendoza | Facebook

Ayon sa mga ito ang nasabing matanda ay inabandona ng kanyang pamilya, 70 anyos na ito at dalawang beses na umanong inatake sa puso. Agad naman din inihingi ng tulong ng grupo ni Shawn ang matanda online ng sa ganun kahit papaano ay matulungan ito. Hindi naman nabigo at kahit papaano may ibang nagbigay ng tulong sa mga ito.

Larawan mula kay Shawn Mendoza | Facebook

Narito ang kabuuan ng post mula kay Shawn Mendoza; “Oct.10, 2022. Around 2PM ng hapon, nakatambay kaming magkakaibigan sa isang tindahan sa Katuray st. ng barangay 179 Amparo, Caloocan City.

Sa gitna ng kwentuhan namin ay may narinig kaming matandang pasigaw ang salita at umaatungal sa sakit. Humihingi ito ng softdrinks ngunit wala kaming mahanap na pagbibilhan, kaya tubig nalang ang binili namin.

Larawan mula kay Shawn Mendoza | Facebook

No’ng una ay gusto pa naming matawa dahil akala namin ay isa lang itong normal na tao at lasing lang. Ngunit nang oras na lumapit kami para iabot ang tubig at para makita na rin siya ng malapitan ay doon na bumungad ang isa sa pinaka nakakalungkot na eksenang pwedeng makita ng dalawa naming mga mata. Sobrang nakakalungkot at nakakabigla. Nakahilata siya sa sahig ng walang saplot pang-ibaba, puno ng mga sugat at nababalot siya sa sarili niyang dumi mula talampakan pataas hanggang sa ulo.

At sa punto ngang iyon, wala talaga kaming ibang nasa isip kundi mga katanungan. Kaya’t habang pinapainom namin siya ng tubig ay sinubukan namin siyang kausapin, tanungin sa kung bakit nagkaganoon ang kalagayan niya, kung may may nag-aasikado ba sakanya, o kung asaan naba ang pamilya niya. At sa mga sandali ngang iyon ay puro lang kami tanong, willing din naman siyang sagutin ang mga tanong namin at eto nga ang mga bagay na nalaman namin tungkol sa kaniya.

Larawan mula kay Shawn Mendoza | Facebook

Siya si ARMANDO VILLOTA, 7O+ years old at nagkaroon ng stroke dalawang beses, hiwalay sa asawa’t mayroong tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae at lahat silang tatlo ay napagtapos niya sa magagandang skwelahan at sa ngayo’y lahat sila’y nasa ibang bansa na. Hindi namin sigurado kung nasa Canada ba lahat ng anak niya, pero ang sigurado kami nasa ibang bansa silang lahat.

Si tatay Armando ay may mga anak ngunit ang nakakapagtaka dito ay pawang nasa ibang bansa ang mga ito, ngunit bakit ganito ang naging kalagayan ni tatay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here