Sponsored Links

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang pagkadiskubre ng mga pinggan at mangkok sa Lena Shoal sa hilagang kanluran ng Busuanga Island, hilagang bahagi ng Palawan. Ayon sa ilang ulat, ang mga pinggan ay kulay puti at asul na may iba’t-ibang mga disenyo at umano ay itinuturing ng isa sa mga National Cultural Treasure (NTC).

Napag-alaman na dalawa sa mga pinggan ang may disenyong “fying elephant”.  Dahil sa post ng National Museum of the Philippines, maraming netizens ang nag-alala at nagkaroon ng maraming mga katanungan.

Ang blue and white porcelain pottery ay pinaniniwalaang nagsimula pa sa Iraq subalit ito ay naimport at ginaya umano ng mga Chinese. Gumawa sila ng sarili nilang mga kagamitang gawa sa porselana at pinalamutian ng blue na mga disenyo kagaya ng mga bulaklak, dragon, ibon, Chinese characters, at kasama narin ang elepante na lumilipad.

Naging matunog na usapin ang pagkadiskubre ng mga plato na may disenyong lumilipad na elepante dahil ito umano ay isang sagradong simbolo sa usaping relihiyon lalo na sa Budismo.

Ang elepante umano sa plato ay sumisimbolo sa ginagamit na sasakyan ni Samantabhadra, Bodhisattva of Universal Benevolence, at mayroon na umanong katulad nito ang natagpuan sa Jingdezhen, Jiangxi, Province of China.

Mas lalong nabahala ang mga Pilipino sa paliwanag na ito ng National Museum of the Philippines. Ayon sa karamihan sa mga nagkomento ay nabahala sapagkat magkakaroon na naman daw umano ng rason ang mga Tsino nap ag-aralan ang mga nadiskubreng mga porselana sa ilalaim ng karagatan ng Palawan.

Pangamba ito sa maraming mga Pilipino lalong-lalo na sa mga nakatira malapit sa nabanggit na lugar dahil umano ay baka angkinin na naman ng mga Tsino ang lugar na pagmamay-ari naman ng Pilipinas.

Marami ang nangamba para sa kaligtasan ng kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Maaring magandang balita nga ang pagkadiskubre ng mga lumang kagamitan na ito at sana ay hindi na magdulot ng anumang gulo at sigalot sa pagmamay-ari ng teritoryo.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here