Home News Estudyante sa “New Normal Classes”, Nag oonline Class Habang Breaktime sa Trabaho Bilang Service Crew sa Isang Fast Food Chain

Estudyante sa “New Normal Classes”, Nag oonline Class Habang Breaktime sa Trabaho Bilang Service Crew sa Isang Fast Food Chain

0
Estudyante sa “New Normal Classes”, Nag oonline Class Habang Breaktime sa Trabaho Bilang Service Crew sa Isang Fast Food Chain
Sponsored Links

Pasukan na nga kung hindi nagkaroon ng pandemya. Subalit, hindi ito hadlang upang hindi maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy na lumalaban ang sambayanang Pilipino. Dahil hindi ligtas ang pagkakaroon ng face-to-face na klase, minabuti nalang ng DepEd na ipatupad ang online at modular na sistema ng pagtuturo sa mga mag-aaral.

photo credit to Jan Dominique A. Agravante | Facebook

Isang nakakabilib na kwento ang naging viral sa social media tungkol sa isang working student na si Jan Dominique Agravante na umaattend ng kanyang online classes habang nasa break ng kanyang trabaho.

photo credit to Jan Dominique A. Agravante | Facebook

Si Jan Dominique ay isang working student na nag tatrabaho bilang service crew sa isang fast-food chain. Hindi naging hadlang sa kanya ang mahinang internet connection, kawalan ng maayos na lugar at kagamitan kagaya ng lamesa at upuan, dahil nasa kalagitnaan pa sya ng kanyang trabaho habang nag-aaral.

Ayon kay Jan Dominique, bago paman nagkaroon ng pandemya ay nakaugalian na nito ang buhay estudyante sa umaga at service crew sa gabi kaya naninibago daw ito ngayong nagkaroon siya ng online class. “Sa online class po nakakapanibago. Noong mga nakaraang taon po kasi nasanay na ako na estudyante sa umaga, service crew sa gabi,” wika nito.

photo credit to Jan Dominique A. Agravante | Facebook

“More efforts na lang lalo nap ag gusto mo talaga ‘yung ginagawa mo. Lalo na sa work. Kung ‘yung puso mo nasa trabaho talaga, hindi ka mahihirapan or mapapagod eh,” dagdag pa ni Jan Dominique. Siya na mismo ang naghahanap ng paraan upang masuportahan at matustusan ang kanyang pag-aaral dahil mahirap lang ang kaniyang pamilya at kapos rin sa panahon ngayon.

photo credit to Jan Dominique A. Agravante | Facebook

“Nagtatrabaho po ako kasi hindi enough yung naibibigay ni Papa na panggastos naming, so I decided po na mag work (sa fast food chain) habang nag-aaral.

“Sa lahat ng gagawin natin, mapa-online class man iyan, trabaho, or sa bahay lang, kailangan nating isapuso lahat ng gagawin. Be productive everyday kahit na may pandemic po tayong nararanasan,” mensahe ni Jan Dominique upang ng makapaghikayat sa kapwa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here