Sponsored Links

Ang kasal ay sagrado at espesyal na okasyon sa buhay ng isang tao. Sa ating bansa, mas lalo pang kakaiba ang pagdiriwang o paghahanda sa kasal dahil na rin sa mga nagsulputan na mga larawan sa social media na nagpapakita ng mga kakaibang kasalan.

May ilang mga tao na mas gusto ng bongga at magarbong kasalan, ngunit may ilan naman na may gusto lamang ang simple ngunit maayos na kasal.

Hindi nga biro ang magpakasal dahil napakarami mong dapat asikasuhin. Kailangan mong maglaan ng maraming oras upang paghandaan ang bawat detalye at mga pangangailangan sa araw ng kasal kagaya lamang ng mga damit, pagkain, mga kailangan para sa seremonya, kasama na rin ang bridal car na maghahatid sa bride sa simbahan o kung saan man gaganapin ang kasal.

Samantala, kapansin-pansin ang bridal car o mas tatawgin natin na bridal jeep, dahil ito isa nga itong lumang jeepney na pinalamutian lamang ng mga bulaklak at tela upang mapaganda at gamiting service para sa bride.

Ang pampasaherong jeepney na ito ay pumapasada sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Quezon City. Ayon sa may-ari at drayber ng jeep na si James Abao, malaking tulong umano ang pagrenta sa kanyang jeep lalo na ngayong matumal ang byahe dulot ng pandemya.

Ayon naman sa bride na si Sharmaine Jo G. Arellano-Vidal, napaka espesyal umano ng jeepney na bumibyahe sa UP sa Quezon dahil doon umano sya sumasakay papunta at pauwi galing eskwela. Nagpapasalamat at masaya din ito sa magandang pagdesenyo ng kanyang ina sa jeep na nagtransform bilang isang “bridal jeepney.”

Maaring hindi man ito maapreciate ng iba, ngunit para sa bride, ito ay napakamakahulugan at espesyal sa araw mismo ng kanyang kasal.

Kahit anuman ang mga pagbabagong ginagawa natin sa buhay, mas mainam pa rin na ginagawa natin ito hindi upang pasayahin ang ibang tao at makuha ang kanilang papuri, ngunit dahil ito ay gusto mismo natin at makakapagpapasaya sa atin.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here