Sponsored Links

Sa pagputok ng pandemya, maraming bagay ang nabago pati na ang buhay ng maraming tao sa buong mundo. Apektado ang araw-araw na dating normal na mga negosyo at trabaho upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Halos lahat ng mga negosyo ay naapektuhan, ang iba ay nalugi, at nahirapang magpatuloy. Ang iba naman ay nagsara at tuluyan ng huminto dahil sa epekto sa ekonomiya ng pandemya ngayong taon.

Samantala, marami pa rin ang nagpapatuloy at naghahanap ng paraan upang mapanatili ang patuloy na pagpasok ng kita sa araw-araw.  May mga physical stores at mga negosyo na lumipat ng pagbebenta online kagaya na lamang ng mga food chains na naging online food delivery na dahil kakaunti na lamang ang kumakain sa loob mismo ng restaurant.

Dahil naging uso ngayon ang online business, naging patok rin ang trabaho bilang isang delivery person o mas kilala sila bilang “delivery riders”. Hindi rin biro ang kanilang trabaho dahil nagbibilad sila sa init ng araw, at minsan naman ay nababasa ng ulan habang nasa kalagitnaan ng pagdedeliver ng mga order.

Hindi basta-basta ang pagiging rider dahil hindi sa lahat ng oras ay dere-deretso ang byahe patungo sa pupuntahan. Nariyan ang panganib sa kalsada, at minsan pa ay naloloko din sila.

Samantala, isang netizen na si Joshua Flores Dispe ang nagbahagi ng larawan ng isang delivery rider na nakasaksihan nitong kumakain sa gilid ng kalsada. Marahil ang rider ay hindi na makatiis pa sa gutom dahil sa sobrang busy sa pagdedeliver.

Hindi nito alintana ang sitwasyon at lugar kung saan ito kumakain. Wala mang upuan at lamesa ay mas pinili nitong lagyan ng laman ang kumakalam na sikmura upang makapagpatuloy sa byahe at pagdedeliver.

Maraming netizens ang naantig sa post na ito. Marami ang naawa at marami din naman ang bumilib sa rider. Tunay ngang hindi basta-basta ang kanilang trabaho. Sana ay ituring din natin silang malaking tulong lalo na at sila ang nagdadala sa atin ng ating pangangailangan at kanila din itong iniingatan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here