Home News Buko Juice Vendor ibinuhos ang kanyang paninda sa umaapoy na tricycle upang makatulong sa kapwa

Buko Juice Vendor ibinuhos ang kanyang paninda sa umaapoy na tricycle upang makatulong sa kapwa

0
Buko Juice Vendor ibinuhos ang kanyang paninda sa umaapoy na tricycle upang makatulong sa kapwa
Sponsored Links

Walang maliit na tulong kapag ito ay bukal sa puso. Simpleng gawain man ito, ngunit kapag naisalba ang kapwa sa isang mahirap na sitwasyon, ito ay maituturing na kabayanihan.

credit Pamahalaan ng Binangonan, Rizal | Facebook

Maraming mga kwentong kabayanihan na ang ating mga naririnig, ngunit ang latest lamang ay mapapabilib ka talaga sa kabayanihang ipinakita ng isang buko vendor para lamang matulungan ang isang tricycle driver sa Binangonan, Rizal.

credit Pamahalaan ng Binangonan, Rizal | Facebook

Ayon kay Larry Lasac, 54 taong gulang na buko juice vendor, nakita nya ang isang tricyle driver sa Barangay Pantok na nahihirapan umanong apulahin ang sunog ng kanyang tricycle.

credit Pamahalaan ng Binangonan, Rizal | Facebook

“Nakita kong nahihirapan ang tricycle driver na patayin ang apoy kaya naman naisipan kong ibuhos sa nag-aapoy na tricycle ang paninda kong buko juice,” pahayag ni Larry. Lingid sa kanyang kaalaman na may nakakuha ng video ng kanyang ginawa.

credit Pamahalaan ng Binangonan, Rizal | Facebook

“Sa tingin ko po, gagawin din naman ‘yun ng ibang tao kung sila man ang makaka-engkwentro ng ganung sitwasyon”, dagdag pa nito.

Kung ibebenta pa ang binuhos na buko ay aabot pa umano sa 500 pesos ang kikitain ni Larry, ngunit hindi na nya inisip ang per ana nasayang nya sa pagbuhos ng buko dahil ang naisip lamang nya noong mga oras na iyon ay ang matulungan ang driver na maapula ang apoy ng tricycle.

credit Pamahalaan ng Binangonan, Rizal | Facebook

Dati na umanong nagtitinda ng buko juice, at French fries si Larry at umaabot ng 800-1000 piso ang kanyang kita kada araw. Subalit naging matumal na ang kanyang benta simula ng nagkapandemya dahil wala na rin pasok ang mga paaralan.

credit Pamahalaan ng Binangonan, Rizal | Facebook

Dahil sa naging sikat online at offline ang kabayanihang nagawa ni Larry, pinarangalan sya ni Mayor Cesar Ynares, Mayor ng Binangonan, at binigyan ng Certificate of Recognition ng local na pamahalaan.

Bukod pa sa pagkilala sa kanyang kabayanihang nagawa, pinapasa sya umano ng Bio Data sa munisipyo ng Mayor dahil nangako ang alcalde na matulungan syang hanapan ng trabaho upang makatulong sa kanyang pamilya.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here