Sponsored Links

Ang buhay ay hindi talaga perpekto, maraming pagbabago, may hirap at sakit na mararanasan, may pagkatalo, at may pagkapanalo.

credit to Madam Berta

Isang kahanga-hangang kwento ng pagbabago ang ipinamalas ng isang netizen na noon ay usap-usap na at ngayo naman ay naging viral muli. Naaalala nyo pa ba si Berta? Siya ay si Roberto Planado Jr. ang totoong pangalan nito. Isa syang pagala-gala sa kalye sa Cebu na naging viral dahil sa pag-e-English nito.  Itinampok na rin sa Kapuso Mo Jessica Soho o KMJS ang kwento ng kanyang buhay.

credit to Madam Berta

Biktima umano si Berta ng depression noon dahil sa pagiging bigo sa pag-ibig. Dahil hindi nito nakayanan at tanggap ang sakit, naging mahirap sa kanyang harapin ang nangyari. Sa labis na kalungkutang, hindi na ito kumakain ng maayos hanggang sa nawala ito sa maayos na pag-iisip.

credit to Madam Berta

Naging palaboy-laboy si Berta sa kalye sa Cebu, at nakilala sya ng isang vlogger na si Anton Camilo at naawa sa kanya. Dahil nalaman ni Anton ang tunay na nangyari kay Berta, ay tinulungan nya ito at dinala si Berta sa Safe Haven treatment recovery village upang magamot at matulungang makabalik sa dating normal na buhay.

credit to Madam Berta

Samantala, muling nag-viral si Berta ngayon dahil sa pagbabago sa kanyang buhay pati na rin sa kanyng mukha.

Maraming netizens ang nagpa-abot ng kanilang pagbati kay Berta sa malaking transformation na kanyang ipinakita.

credit to Madam Berta

Sabi ni Vega Hannah, “Bertaaaa! You made it! Laban lang jud sa life! Salamat sa imong good vibes nga gidalit namo hinaot magmalipayon ka.”

“Wow Madam Berta.. You look like a real professor now especially with ur eyeglasses on..” saad naman ni Luisa Melancolico Canaya.

credit to Madam Berta

Dagdag naman ni Janianne Abella, “Welcome back Berta! Life is precious baya ingun ka..dghan kaayo ka ug followers that is looking forward sa imong new life!”

Marami talaga ang natuwa at nakasubaybay sa istorya ng buhay ni Berta. Nawa ay makahikayat at makapagbigay pag-asa din ito sa iba na may kwentong katulad ng sa kanya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here