Home News Burger vendor kinabiliban sa tapang ng loob na nagpatayo ng Burger Food Stall sa labas lang ng McDonald’s

Burger vendor kinabiliban sa tapang ng loob na nagpatayo ng Burger Food Stall sa labas lang ng McDonald’s

0
Burger vendor kinabiliban sa tapang ng loob na nagpatayo ng Burger Food Stall sa labas lang ng McDonald’s
Sponsored Links

Simula ng nagkaroon ng pandemya, nahirapan ang marami sa atin sa paghahanap ng trabaho, ang iba ay nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Mahirap din ang pagkakaroon ngayon ng negosyo lalo na’t maraming kakompetensya.

Marami ang nag-aalangan na sumubok na mag negosyo lalo na kapag may malalaking kompanya na sikat na ang nauna sa negosyo na papasukin.

Samantala, usap-usapan naman sa social media ngayon ang isang matapang na sumubok na magtinda ng burger. Sa Kepong Malaysia, isang burger stand ang itinayo ng isang vendor sa labas mismo ng sikat na sikat na fast food chain na McDonald’s.

Maaring umorder sa kanyang stall ang mga dumadaan na mga tao. Ang kanyang burger stall ay kasing laki lamang ng isang lamesa ng McDonald’s. Marami ang humanga sa vendor na ito sa tapang nyang sumubok ng negosyo at magtinda sa labas mismo ng kilalang fast food chain.

Isang netizen ang nagbahagi ng litrato ng naturang burger stall at ipinost ito sa Twitter kasama ang caption “A rather daring attempt…” saad ni Sufri (@craz33sufri). Hindi alintana ng may-ari ng burger stall na ito ang takot nab aka walang bumili sa kanya dahil isang malaki at sikat na fast food chain ang kanyang kaharap na nagbebenta din ng burger.

Naging viral ang Tweet na iyon na umabot na sa 35k reactions at 18k retweets. Marami ang nagbigay ng kanilang komento kung bakit nagawa iyon ng isang vendor.

Ayon sa ilang nag tweet, maaring mas masarap umano ang binibentang burger sa stall na iyon kumparasa sa burger ng McDonald’s kaya naman malakas ang loob ng tinder ana pumwesto sa labas mismo ng McDonald’s.

Of course, he should be daring! Burger Malaysia is more delicious!” saad ng isang netizen.

May nagkwento ding netizen na mayroon din umanong katulad noong food stall na Daily Burger malapit sa Gombak at sa kabila na nasal abas lamang ng McDonald’s ay marami pa rin ang pumipila at bumibili.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here