Sponsored Links

Wala ng mas sasaya pa sa isang magulang na makitang masaya ang anak. Isang ama na nais masilayan na nakangiti ang kanyang anak ay tunay na nakakagaan sa pakiramdam.

Kagaya ng ibang ama, si tatay Franco ay walang ibang hangad kundi ang mapaligaya ang pinakamamahal nyang anak. Sa pagbabahagi ng isang news agency sa kanilangFacebook page, napag-alaman na isang tindero ng newspaper si tatay Franco. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na hindi malaki ang kita sa ganitong uri ng hanapbuhay.

Subalit nais umano ni tatay Franco na mapasaya ang anak na lalaki sa pamamagitan ng pagbili ng kanyang paboritong damit.

Madalas umanong napapansin ni Mark Eimer si tatay Franco na sumisilip sa kanilang clothing shop sa Binan, City, Laguna.

Napag-alaman ni Eimer nan ais umano bilhin ni tatay Franco ang isa sa kanilang mga panindang damit dahil gusting-gusto umano iyon ng kanyang anak. Dahil walang sapat na pera, pinag-ipunan muna ni tatay Franco ang naturang damit.

Noong nalaman ni Eimer ang buong kwento, minabuti nitong bigyan si tatay ng discount sa pagbili nya ng damit. Sa halip na Php700 ang halaga ng damit, binenta lamang ito kay tatay Franco ng Php450.

Ayon kay Eimer, maliit man raw ito na bagay ngunit masaya sya at may napasaya syang customer at tatay. Labis din ang tuwa ng anak ni tatay Franco at halos magtatatalon ito sa saya noong nabili ng ama ang pinakagustong damit.

Marami namang mga netizens ang nagkomento at humanga kay tatay Franco dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa anak. Isang ulirang ama na nararapat lamang tularan.

Samantala, umani din ng papuri ang clothing store at si Eimers a ginawang pagtulong sa kanilang customer. Kahit na nasa kalagitnaan man tayo ng pandemya at mahirap magnegosyo ay naging bukas pa rin ang kanilang puso na tumulong sa kapwa.

Sana ay mas marami pang ganitong mga kwento ng pagtutulungan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here