Sponsored Links

Lahat tayo ay nais ng ligtas na lipunan at paligid, kaya naman ay may mga iba’t-ibang pamamaraan tayo para masiguro ang kaligtasan ng ating pamilya at mga mahal sa buhay. Subalit may mga tao talaga na hindi napipigilan ang sarili na gumawa ng masama sa kapwa, gaya lamang ng pagnanakaw.

Samantala, isang magnanakaw naman ang nahuli ng pulis na pinagnakawan ang mismong bahay nito. Walang kahirap-hirap na nahuli ang magnanakaw dahil nakatulog ito sa bahay ng pulis na kanyang pinagnakawan.

Ang magnanakaw ay napag-alamang si Khun Thot na 22-taong gulang. Dahil sa ilang oras umano itong paikot ikot at humanap ng bahay na mapagnanakawan ay napagod umano ito. Umabot na umano ito sa alas 2 ng umaga ng nakita nya ang bahay na kanyang pinasok upang mapagnakawan.

Ang bahay na kanyang pinasok ay hindi nya alam na bahay pala ni B.E. Chiam Praset, isang police officer sa Wichian Buri District, Phetchabun Province sa Thailand.

Noong nakapasok na ito sa bahay ng pulis ay napag-isipan nito na umidlip muna dahil sa sobrang pagod. Ang pag-aakala ni Khun Thot ay matatagalan pa ang pag-uwi ng may-ari ng bahay kaya binuksan pa nito ang aircon sa isang kwarto kung saan sya natulog.

Pagkauwi ni B.E. Chiam Praset sa kanyang bahay, nagtataka ito bakit ay ingay sa kwarto ng kanyang anak, dahil ang pagkakaalam nito ay wala doon ang kanilang anak. Kaya naman ay tiningnan at sinilip nya ang kwarto ng anak at doon sya nagulat na may natutulog sa higaan ng kanyang anak.

Lalong nagulat ang may-ari ng bahay noong nakita nito na isang lalaki ang natutulog, kaya naman napag-isipan nitong tumawag ng back-up sa mga kasamahang pulis.’

 

Nagulat nalang si Khun Thot, noong ginigising sya sa masarap na pagkakatulog sa bahay ng kanyang pinagnakawan. Dinakip naman sya at dinala sa presinto dahil sa kanyang ginawang pagnanakaw.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here