Sponsored Links

Naniniwala ka ba na kapag may determinasyon, sipag, at tiyaga, ay mararating at makakamtan ang mga pangarap sa buhay?

Hindi imposible at walang imposible sa taong nangangarap at nagtatrabaho para sa pangarap. Katulad na lamang ni Sam Blanca na sa edad na 22 taong gulang ay mayroon na itong sariling bahay bunga ng kanyang pagsisikap.

Sam Blanca | Facebook

Ibinahagi nya ang kanyang nakaka-inspire at nakakabilib na kwento ng tagumpay sa isang Facebook group na BPO Secret Files Community.

Sam Blanca | Facebook

Habang nag-aaral pa lamang daw si Sam sa kolehiyo ay nagtatrabaho na ito bilang isang call center agent. Ilang kompanya na rin ang kanyang pinaggalingan kagaya ng Trec Pacific Corp. Huminto lamang daw ito sa pagtatrabaho noong ito ay malapit nang makapagtapos sa pag-aaral, upang mabigay nya ang kanyang buong atensyon sa pag-aaral.

Sam Blanca | Facebook

Samantala, noong nakatapos na ito at bumalik sa trabaho ay malaki ang naitulong sa kanya ng pagtatrabaho sa BPO Industry.

Marahil para sa ilang tao, nasasayang ang pinag-aralan sa pagiging isang call center agent. Subalit, para kay Sam ay isang matino at marangal na propesyon ang pagiging isang call center agent dahil ito ang paraan na nagkaroon na sya ng sariling bahay.

“Katas ng BPO. Wag mong ikahiya na sa call center ka nagtatrabaho. Just wanna share my experiences kung ano ang naipundar ‘ko for 4 years working in this industry. Mabuhay mga bayaning puyat!”, wika ni Sam sa kanyang post.

Sam Blanca | Facebook

Makikita sa larawan na maganda at isang two-story na bahay ang kanyang nabili noong 22 taong gulang pa lamang sya. Ngayon ay 25 tong gulang na ito.

Malaking tulong umano sa kanya ang 24/7 Intouch na kompanya dahil doon sya nakatanggap ng promotion at nahubog ang kanyang galing sa trabaho pagkatapos ng dalawang taon at kalahati na pagtatrabaho dito. Nakapagtrabaho sya sa isa namang kompanya sa loob lamang ng isang buwan.

Sam Blanca | Facebook

Samantala, ang kanyang pang-apat na kompanya ay ang Omega Healthcare kung saan si Sam ay isang Quality Analyst. Ayon pa sa kanya, ang ibig sabihin ng “omega” ay “end”, sana nga raw ay yun na ang kanyang huling kompanya na pagtatrabahuan.

“Kung nagawa ‘ko, magagawa nyo rin!”, banggit pa ni Sam sa kanyang post.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here