Sponsored Links

Minsan may mga pag-iibigan at pagsasama na hindi nauuwi sa happy ending dahil sa mga bagay na hindi inaasahang mangyayari.

Katulad na lamang ng isang lalaking taga Denmark na si Holger Solager na nangarap na makabuo ng masayang pamilya dito sa bansa kaya naman mas piniling iwanan ang kanyang bayan upang makasama ang minamahal at pakasalan ito.

Holger Solager

Sa kasamaang palad, si Holger pagkatapos na maikasal sa pinay na kasintahan na taga north Cotabato ay bigla na lamang iniwan at pinabayaan.

Sa kanyang pagbabakasakali na makabalik sa Denmark, pumunta sya sa airport.  Apat na araw na umano itong stranded doon dahil hindi sapat ang kanyang pera upang makabayad sa swab test at wala din umano syang travel pass kaya hindi ito nakasakay pabalik sa Denmark.

Holger Solager

Nakausap sya ni Judy Ann Cinco, isang concerned netizen na nagbahagi ng kwento ni Holger sa Facebook upang makahingi ng tulong lalo na sa Tulfo In Action.

Ayon kay Judy Ann, napag-alamang iniwan daw si Holger ng kanyang pinay na asawa noong nalaman nito na ang bahay na ipinagawa ni Holger ay hindi nakapangalan sa kanya. Unti-unti ring naubos ng babae ang pera nito kaya marahil iniwan at pinabayaan na sya.

Holger Solager

Sinubukan umani ni Holger na humingi ng tulong sa embassy ngunit wala din silang naitulong sa kanya.

Umabot na ng 11k reactions at 15k shares ang post ni Judy Ann. At isang mabuting balita ang kanya uling ibinahagi sa kanyang FB account makalipas ang ilang araw.

May isang company na taga Denmark din ang may-ari ang tumulong kay Holger at binigyan ito ng trabaho at matitirhan. Makikita sa larawan na ipinost ni Judy Ann na nakangiting nakatayo si Homer kasama si George, ang boss nito ngayon.

Nanghihingi po kami ng tulong sainyo nawa'y mapansin niyo. Ito po si Holger Solager galing sa Denmark. Pumunta po siya…

Posted by Judy Ann Cinco on Friday, 25 September 2020

Samantala, tumulong naman ang Tulfo in Action ni Raffy Tulfo na maasikaso ang kaso laban sa asawa ni Holger nan ang-iwan sa kanya sa panahon ng pandemya at kagipitan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here