Sponsored Links

Naging mabuting paraan din ng pagkatuto ang distant learning sa panahon ng pandemya. Mas napanatili nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral pati na ng mga guro at lahat ng mga nagtatrabaho sa mga paaralan. Subalit, hindi naman maikakaila na mahirap din para sa iba ang ganitong Sistema ng pag-aaral lalo na ng mga kapos sa pinansyal upang makabili ng mga kagamitan lalo na sa online classes.

Laptop, at maayos na internet connection ang pangunahing pangangailangan ng mga estudyante na mayroong online classes. Marami naman ang nagpahatid ng kanilang hinaing sa social media patungkol rito.

Samantala, imbes na magreklamo sa hirap ng kalagayan, isang netizen sa Facebook naman ang nagbahagi ng kanyang nadiskubreng pamamaraan para makapag-online classes sa kabila ng kawalan ng laptop.

Si Alex Anshely Smith ay nagpost kung paano sya nakagawa ng alternatibong pamamaraan upang magsilbing laptop ang kanyang cellphone. Sa halagang 500 pesos umano ay nakabuo na sya ng kanyang mini-computer na magagamit sa kanyang pag-aaral.

credit to Alex Anshely Smith | Facebook

Pagkatapos nyang na-assemble ang kanyang computer, kinuhanan nya ito ng larawan upang e-upload sa Facebook kasama ang pagbabahagi ng mga links sa Shopee kung saan nya nabili ang kanyang mga ginamit sa pag-gawa ng mini-computer.

Napakalaking tipid ang kanyang nagawa na nakatulong talaga sa kanyang pag-aaral. Nabili nya umano ang kanyang micro usb sa halagang Php88, phone stand sa halagang Php39, mouse at keyboard sa halagang Php237 lamang. Maari namang makabili ng hiwalay na keyboard at mouse depende umano sa iyong pangangailangan.

Masaya si Alex sa kanyang nadiskubre at nais nya itong ibahagi din sa iba. “Post ko din baka sakali makatulong sa iba haha 😁 Habang wala pa tayo laptop or computer, tiyaga muna dito 😁,” saad ni Alex.

“Ps: Make sure tingnan niyo po yung phone nyo kung OTG Ready para di kayo mag aksaya…” dagdag pa nito.

Sana ay matutunan din ito ng ibang mga estudyante lalo na ng mga nahihirapang makabili ng laptop.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here