
Marami na tayong naririnig na mga kwento ng tagumpay, mga success stories na kakabiliban talaga natin at kapupulutan ng inspirasyon ay aral.

Usap-usapan at kumakalat naman ngayon sa social media ang kwento ng buhay ng pamilya ng netizen na si Erika Duran. Hindi basta-basta ang hirap na kanilang pinagdaanan noon bago pa nila marating ang tagumpay na tinatamasa ngayon.

Noong nagka-anak umano silang mag-asawa ay naisipan na nilang magbukod. Hindi naging biro ang kanilang mga dinanas ngunit nalampasan nila ito dahil sa kanilang pagsusumikap, tyaga, pagtutulungan, pananampalataya at sipag.

Ngayon ay nagmamay-ari na sila ng “Amarah’s Corner”, isang kilalang masarap na kainan. Nagsimula ang kanilang negosyo sa pananahi at mayroon lamang silang napakaliit na puhunan. Lumago ang kanilang patahian hanggang sa nagkaroon na sila ng malaking pwesto at dumami na ang kanilang customers.


Dahil sa kanilang unang naging negosyo, nagkaroon pa sila ng sapat na puhunan upang makapagpatayo ng restawrant, at nabuo nga ang Amarah’s Corner na nabuksan noong 2018.

Mula sa isang branch, umabot na ngayon sa 12 branches ang Amarah’s corner dahil sa sipag at galing ng mag-asawa sa pagnenegosyo.

“Huwag kang makakampante na perfect ka na, na maayos na lahat, dapat tanggapin mo lahat ng ibabatong negative sayo at gawin mong way yun para makita ang mga dapat pang iimprove”, pahayag ni Erika.
Kung noon ay maliit lamang na bahay ang kanilang inuupahan, ngayon ay mayroon na silang malaking 2-story na bahay at sasakyan.

Payo pa ni Erika na huwag umanong matakot na magsimula ng negosyo kahit na paunti-unting hakbang lamang patungo sa pangarap. Kailangan din na samahan ng pagmamahal ang ginagawa upang mas lalo pa umanong maging maayos ang negosyo dahil gusto mo ang iyong ginagawa.

Marami umanong hamon at suliranin ang darating, ngunit huwag kalilimutang maging positibo sa buhay at sa mga problema dahil tiyak na malalampasan ito basta’t mabibigyan ng maayos at agarang solusyon at huwag ng tambayan pa.
Maraming namang netizens ang bumilib at nabigyan ng pag-asa at inspirasyon sa kanilang kwento.