Home News Concern Netizen Nagbabala Tungkol sa Isang Nagpapanggap na Shopee Rider

Concern Netizen Nagbabala Tungkol sa Isang Nagpapanggap na Shopee Rider

0
Concern Netizen Nagbabala Tungkol sa Isang Nagpapanggap na Shopee Rider
Sponsored Links

Sa gitna ng pandemya ay mas mainam na nga ang manatili sa loob ng bahay. Kung maari ay iminumungkahi ang work-from-home set up at huwag lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang lakad o pupuntahan.

Isa din sa mga naging mabilis at ligtas na paraan ng pagbili ng mga kinakailangan sa pamamagitan ng pag-oorder online. Kaya’t sumikat at dumami ang mga customers ng mga online delivery systems kagaya ng Shopee.

Subalit isang pangyayari ang ibinahagi ng isang netizen na si Ariza dahil umano sa isang fake na delivery guy ng Shopee na pumunta sa kanilang bahay. Iyon ay mag aalas nuwebe na ng gabi ng bigla syang nakatanggap ng text sa isang tao na nagpakilala bilang rider ng Shopee. Kahina-hinala umano dahil alam ni Ariza na curfew hours na at wala naman daw nagdedeliver sa kanya sa ganoong mga oras.

Kinaumagahan ay nagkwento umano si Ariza at nabanggit din ng kanyang ama na may isang lalake umano na naghihintay sa labas ng kanilang bahay noong gabi.

Tiningnan nila ang nairecord na CCTV footage at nakita nga sa video na ang lalakeng naka motor ay hindi masasabi na isang Shopee rider dahil ito ay naka shorts lang at naka tsinelas. Mapapansin din umano sa text message na ipinadala nito kay Ariza na malayo sa Shopee text message format. Wala din daw umanong inaasahan na item na idedeliver sa araw na iyon, kaya’t nabahala ito.

Nagtanong si Ariza sa isang Shopee rider at napag-alamang hanggang alas otos lang daw ang cut-off time nila sa pagdedeliver. Laking pasalamat nito na hindi siya lumabas ng bahay ng gabing iyon dahil umano ay baka may masamang pakay ang isang hindi nakikilalang fake Shopee rider.

https://www.facebook.com/alamilayi/posts/3522965277722601

Dahil nga sa hirap ng buhay ngayon, marami na ang mga nagagawang modus ng ibang tao para lamang magkapera. Kaya’t iminabuti ng netizen na ibahagi ang karanasan upang magdoble-ingat, magbabala, at maging mapagmatyag sa palibot sa lahat ng oras upang maiwasan ang mga krimen o mga panloloko.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here