Sponsored Links

Kung ang tanging pagkain na nakalaan para sayo ay kinuha ng iba, matutuwa ka kaya? Lalo na kapag nalaman mong isang pusang gala pala ang kumuha? Baka nga siguro ay dali-dali kang maghahanap ng paraan para saktan ang pusa dahil sa ginawa nito.

Ngunit, si Hilsy Policarpio Almerol ay may nakakatuwang kwento tungkol dito na kanyang ibinahagi sa “Bayan Mo, Ipatrol Mo”, na talaga namang ikinatuwa at kinabiliban ng mga netizens.

photo credit to ‎Hilsy Policarpio Almerol‎ | Facebook

Si Almerol ay nagtatranaho bilang isang security guard sa Saint Scholatsica’s Academy sa syudad ng Marikina. Isang araw, kakain na umano si Almerol ng kanyang baon sa pananghalian. At ang nakagawian nito ay maghugas talaga ng kamay bago kumain, kaya’t saglit na iniwan ang kanyang baon na may lamang ulam na isda. Upang hugasan muna ang mga kamay.

Sa pagbalik ni Almerol upang kumain, nagulat na umano ito dahil nawala na ang kanyang ulam at sa di kalayuan ay nakita ang isang pusang may dala-dalang isda habang ito ay papalayo.

photo credit to ‎Hilsy Policarpio Almerol‎ | Facebook

Sinundan ni Almerol ang pusa at nakitang ito ay paakyat sa isang bubong. Aminado na galit na galit ito noong una dahil hindi na sya makakakain subalit ng makitang ang isdang tinangay pala ng pusa ay para sa kanyang mga kuting, ay biglang napawi ang kanyang galit at sa halip ay natuwa pa ito.

Ibinahagi ni Almerol ang mga litrato ng mga kuting na gutom na gutom na kumakain ng isdang dala sa kanila ng kanilang inang pusa.

photo credit to ‎Hilsy Policarpio Almerol‎ | Facebook

Isa nga namang kamangha-manghang tanawin. Hindi natin ito madalas makikita at maiisip ngunit nais ni Almerol na sa kanyang pagbabahagi ng karanasan sa isang pusa ay magsilbing aral ito sa ating mga tao na iwasan ang pananakit sa mga hayop. Kagaya rin ng mga tao, sila rin ay may damdamin at sila ay nasasaktan, at nakakaramdam din ng gutom.

Ang pagmamahal nga ng isang ina ay hindi mapapantayan kahit pa pagmamahal ng isang inang pusa sa kanyang mga kuting.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here