Home News Pinakamahal na Facemask sa Buong Mundo Ginawa para sa Isang Chinese Businessman

Pinakamahal na Facemask sa Buong Mundo Ginawa para sa Isang Chinese Businessman

0
Pinakamahal na Facemask sa Buong Mundo Ginawa para sa Isang Chinese Businessman
Sponsored Links

Mahigpit na ipinatutupad ang pag gamit ng face masks, at face shields kapag lumabas ng bahay upang kahit papaano ay magkaroon ng proteksyon laban sa kumakalat na coronavirus. Ito ang pinakamura at pinaka simpleng paraan habang wala pang nadidiskubreng bakuna laban sa virus na nagdudulot ng sakit na kumitil nan g maraming buhay.

Mura nga ba talagang paraan ang pag gamit ng face masks? Maaring oo kung ikaw ay gagamit lamang ng simpleng masks kagaya ng disposable surgical masks, N95 masks, o washable masks na yari lamang sa simpleng tela. Subalit sa ilang mga prominenteng tao kagaya ng mga artista, politico, at mga negosyante, mayroong mga customized o personalized masks na hindi basta-basta ang halaga.

Kalimitan ay hindi bababa sa P5, 000 ang mga designer face masks. Mayroon din isang face mask na gawa sa Swarovski crystals na nagkakahalaga ng P25, 000. Subalit isang face mask ang angat sa lahat dahil sa halaga na kapalit nito lalo na ang materyales na ginamit dito.

Ang isang Israeli jewelry company ay gumagawa ng face mask para sa isang Chinese na negosyante. Ang isang face mask ay katumbas na ng isang resort, bahay, at sasakyan.

Ayon kay Isaac Levy ng Yvel ,isang luxury jewel brand, ang face mask na ipinagawa sa kanya ay nagkakahalaga ng $1.5 million o katumbas ng halos P75 million, maituturing na pinakamahal na face mask sa buong mundo.

Ito ay yari sa 18-karat gold at palalamutian ng 3,600 black and white diamonds. Ayon pa kay Levy, may tatlong kondisyon ang customer.

Una, dapat daw ay isang N99 face mask na aprubado ng US FDA at pasado sa European standards. Ang ikalawang kondisyon naman na hiningi ng customer ay dapat daw na ma-deliver sa kanya bago matapos ang taon o sa December 31, 2020. At ang huli ay dapat daw ang mask ang pinakamahal sa buong mundo.

“Personally, I would not walk with a mask like this. I think that we all should wear the same regular N95 mask. Money maybe doesn’t buy everything, but if it can buy a very expensive COVID-19 mask and the guy wants to wear it and walk around and get the attention, he should be happy with that. I am happy that this mask gave us enough work for our employees to be able to provide them jobs in very challenging times like these times right now,” pahayag naman ni Levy.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here