Sponsored Links

Marami ng mga kwento sa social media ang ating nababasa patungkol sa mga delivery riders. Alam natin na hindi basta-basta ang kanilang trabaho at maituturing na silang mga frontliners. Kaya naman ang isang concerned netizen ay umapila na magbigay tayo ng konsiderasyon sa mga delivery riders.

Sa Facebook post ni ng Clariss Glorio, nagpost ito ng isang video kung saan nasilip nya ang isang delivery rider sa labas ng kanilang bahay.

“Nakita ko lng itong eksena na ito pag silip ko sa gilid ng gate namin. Naghhintay si kuyang rider sa gitna ng initan, hawak ang maliit na plastic bag kumakatok para pagbuksan siya. Ilang minuto ng nakalipas naghhintay pa din siya. Sa totoo lang sa panahon ngaun napaka helpful ng mga online shops”, saad ni Clariss.

Batid ni Clariss ang hirap ng trabaho ng mga riders, kaya naman ay kung maari matulungan manlang ng mga customers na mapagaan ang kanilang trabaho.

“Mga rider na nag ri-risk ng buhay para wag na tayong lumabas. Pero nakakalungkot lang na may mga taong walang pagmmalasakit, sana kung alam na COD maghanda ng saktong pera, makkita namn sa apps kung kailan iddeliver ung order mo, so kung ngaun nakalagay at nagmsg na sayo ang courier anticipate mo na anytime of the day pwede na ideliver para makapaghanda ka. Hindi ka na nagpabalik balik, nakasave ka pa ng oras ni kuya”, dagdag pa ni Clariss.

Ayon pa kay Clariss, hindi lamang isang tao ang pinupuntahan ng delivery rider at magpasalamat na lamang tayo na sila ang nagdadala sa atin ng ating mga pangangailangan habang tayo ay naghihintay lang sa ating bahay.

Bukod sa napakainit na sikat ng araw, mapanganib din sa kalsada ang kanilang trabaho. Marami na din ang naloloko sa kanila.

“Disclaimer lng po, ito ay para magkaroon tayo ng awareness & friendly reminders na din po na sa mga ganitong sitwasyon na magkaroon tayo ng konsiderasyon at malasakit sa mga riders”, saad pa ni Clariss.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here