Sponsored Links

Maraming mga kabataan ngayon ang nagrereklamo na mahirap ang kanilang module. Pati na rin ang kanilang mga magulang ay hindi na rin sila kayang tulungan sa pagsasagot. Bukod na busy na sa trabaho sa loob ng bahay o sa opisina, mahirap na din ang mga katanungan sa module.

Kaya naman laking pasasalamat ng isang nanay dahil sa kabutihang loob ng mga police na tumutulong na sagutan ang mga module ng kanilang anak.

credit to Diana Beldosola | facebook

Ayon sa post ni Diana Beldosola, “Sa mga police officer ng Malinta na laging pabalik-balik dito, mga sir, maraming salamat po sa inyo kasi tinutulungan n’yo po ang mga anak namin sa pagsasagot ng module. Mga sir, salamat at mabuhay po kayo,” saad niya sa caption ng larawan kung saan makikita ang dalawang pulis na matiyagang tinutulungan ang batang mag-aaral.

Nagmistulang mga tutors ang dalawang pulis na tumututok sa pagturo sa bata habang sumasagot sa kanyang module. Marami naman ang namangha sa ginawa ng mga pulis kaya’t sila ay nagpa-abot ng kanilang paghanga.

Marami naman ang humihiling n asana ay may mga katulad din nilang pulis sa kanilang area na makakatulong sa kanilang mga anak na gumawa ng module.

“Wow! Sana lahat ng mga police officer,” komento ng isang netizen na si Marilyn Grado Salang Beldosola.  “Saludo po ako sa inyo, mga sir!”, dagdag pa nito.

Wika naman ng netizen na si Elbern Charles Roque, “Sana ganito lahat ng officers”.

“Marami pa rin mababait na police officer,” saad naman Jericho Pille. “I salute you po, mga sir. Ingat palagi and God bless you.”

“Sana matulungan din ang mga anak ko. Nahihirapan na po talaga ako, e. Dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral, mahirap talaga”, hiling naman ni Jacusalem Yu Hazel.

Tunay ngang simpleng tulong lamang nito ngunit napakalaking bagay na ito sa mga magulang lalong-lalo na sa mga bat ana nahihirapan ngayon sa new normal na pag-aaral.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here