Sponsored Links

Ano ang iyong gagawin kung nakapulot ka ng pitaka na may lamang Php1000 piso? Hahanapin mo kaya ang may-ari ng wallet at ibabalik ng buo ang napulot o huwag nalang magbigay ng panahon na hanapin ang nagmamay-ari?

credit to Geraldine Canlas | Facebook

Paano naman kaya kung malaking halaga ang iyong napulot? Isasauli mo pa ba ito o aangkinin nalang ang napulot?

Samantala, isang nakakabilib na katapatan ang ipinamalas ng isang netizen na taga Tagum City sa Davao. Siya ay si Sofio Alo Jr. isang driver na nakapulot ng isang pouch sa kanyang tricycle.

credit to Geraldine Canlas | Facebook

Ayon kay Sofio, dinidiskarga nya umano ang mga semento ng isa nyang pasahero ng may napansin syang isang pouch sa backseat ng kanyang tricycle. Laking gulat nito noong binuksan nya ang pouch ay mayroong mga cheke at cash. Ayon sa driver, umaabot ng Php20 million ang kabuuang halaga ng mga cheke at mayroon namang cash na Php1,070.00.

credit to Geraldine Canlas | Facebook

Dinala ni Sofio ang pouch pauwi sa kanilang bahay at doon sya nagtanong sa kanyang pamilya kung ano ang mabuting gawin. Payo naman ng kapatid ng kanyang asawa na may kakilalang opisyal sa kanilang lugar, na dalhin sa City Hall ang napulot na pouch upang maibalik sa nagmamay-ari.

Noong sila ay patungo na sa City Hall, nakasalubong nila ang barangay police at ang pasahero ng kanyang tricycle. Kaya’t masaya ang driver na naibalik nya ang pouch sa may-ari.

credit to Geraldine Canlas | Facebook

Kahit pa gaano ka hirap ang buhay, ayon kay Sofio, mas mainam ang maging tapat. Mas mahalaga ang katapatan at integridad higit pa sa anumang material na bagay. Nais nya din na tularan sya ng kanyang mga anak.

“I make it a point to teach it to my kids because it would be difficult for them not to have the same values,” pahayag nito sa isang interview.

credit to Geraldine Canlas | Facebook

Pinarangalan naman si Sofio ng Apokon Elementary School’s Project WATCH (We Advocate Time Consciousness and Honesty), dahil sa kanyang katapatan. Binigyan din sya ng mga grocery items bilang pagkilala sa kanyang kabutihang-loob.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here