Sponsored Links

Kapag tayo ay nasa byahe at aabutan ng gutom sa daan, malaking tulong din ang nagagawa ng mga drive-thru kagaya ng Jollibee. Salamat sa mga crew na matyaga at masipag na nagtatrabaho na kahit minsan ay dis-oras na ng gabi ang kanilang trabaho ay tinitiis pa rin nila ang hirap.

Subalit, isang malungkot na pangyayari naman ang inabutan ng netizen na si Zari Frillez sa Jollibee drive-thru sa Kumintang, Batangas. Ayon kay Zari, umiiyak umano ang crew ng Jollibee drive-thru noong araw na iyon.

credit to Zari Frillez / Facebooki

May nauna umano sa pila na customer at galit na galit umano ito sa crew ng Jollibee sa nasambit na lugar at sinisigawan pa raw ito ng customer. Dahil nasa likuran pa ang sasakyan nila ni Zari ay hindi nya nakita ang buong pangyayari. Kaya minabuti nya na tanungin ang crew noong nakaalis na rin ang customer na nauna sa kanila.

Hindi naman naikwento ng crew ng Jollibee ang buong pangyayari ngunit naawa umano si Zari dahil umiiyak ito. Minabuti nya na magpost na lamang sa Facebook upang paalalahanan ang iba na maging maunawain at intindihin din ang hirap na ginagawa nila.

“Shoutout sa kostomer sa drive tru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744 di lang namen nakuha ung letter sa plate number pero may CCTV naman ung drive thru ng Jollibee, na Sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samen”, wika naman ni Zari sa kanyang Facebook post.

credit to Zari Frillez / Facebooki

Makatapos naging viral ang video, isa sa mga kapwa service crew ay inilahad na isa umanong estudyante ang babaeng crew na napagalitan sa Jollibee drive-thru na iyon. Pagod na umano iyon dahil nag-aaral sa umaga at gabi naman ay nagtatrabaho pa upang masuportahan ang kanyang pag-aaral.

“Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo. May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate.”, dagdag pa ni Zari Frillez sa kanyang post.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here