Sponsored Links

Simula noong nagkaroon ng pandemya, maraming pamamaraan ang nadiskubre ng mga tao upang makatulong na masolusyunan ang kahirapan at kawalan ng hanapbuhay. Isa na nga rito ang paghahalaman.

Maraming benepisyo ang naibibigay ng pagatatanim ng sariling mga gulay, prutas, at kung anupang mga halaman sa sariling bakuran. Mayroong iba’t-ibang paraan din ng paghahalaman kagaya ng pagtatanim sa mga paso, mga containers, lumang gulong ng sasakyan, at iba pa.

Samantala, kakaiba naman at nakakamangha ang paghahalaman na ipinakita ng IGA Extra Famille Duchemin grocery store sa St-Laurent sa Canada.

Ang nasambit na malaking grocery store ay mayroong malawak na garden sa itaas ng gusali o sa rooftop mismo nito. Ang garden umano ay nagsimula noong 2017 para sa proyektong “green roof” ng St.Laurent. Umaabot sa 25,000 sq ft ang sukat ng naturang rooftop garden.

credit to Bureau of Plant Industry | Facebook

Kung nasa itaas ka at nakasakay sa helicopter o kukuhanan ng larawan gamit ang drone camera, makikita na nakaporamang IGA ang mga halaman na itinanim. Ito ay ginawa para umano ay mas madaling malaman at makilala ang gusali.

credit to Bureau of Plant Industry | Facebook

Umaabot ng 30 klaseng mga organic na gulay at mga pananim ang itinanim sa nabanggit na rooftop garden. Myaroong lettuce, kamatis, carrots, green beans, bawang, talong, labanos, at marami pang iba. Mayroon din umanong bahay pukyutan doon para sa natural na source ng honey.

credit to Bureau of Plant Industry | Facebook

Ayon sa may-ari ng grocery store na si Richard Duchemin, nais nyang makapag-supply ng fresh na mga gulay na galing mismo sa kanilang halamanan, at maging modelo rin sila ng iba pa.

Samantala, mayroong ding katulad nito dito sa ating bansa. Ito ay pagmamay-ari ng Dole Asia Company Ltd. at makikita sa Makati City kung saan ang garden ay makikita naman sa itaas ng isang warehouse.

credit to Bureau of Plant Industry | Facebook

Sa halip na direktang nilalagyan ng lupa ang bubong ng warehouse, nakalagay naman sa raise beds and mga halaman. Gumamit din sila ng mga empty containers at mga lumang plastic drums para pagtaniman ng saging, papaya, at mga gulay.

credit to Bureau of Plant Industry | Facebook

Ang ganitong pamamaraan ng paghahalaman at nakakatulong hindi lamang sa pangkabuhayan at negosyo, kundi pati na rin sa kalikasan dahil nakakabawas ito ng carbon emission.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here