Sponsored Links

Naalala nyo pa ba ang mag-ina na pinaslang ng isang pulis noong nakaraang Disyembre dahil nainis umano ang kapitbahay na pulis sa ingay ng ‘boga’.

Si aling Sonya Gregorio, 52 taong gulang at ang kanyang anak na lalaki na si Frank, 25 ay binarily ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Naging mainit sa social media ang pangyayaring iyon. Maraming mga netizens ang galit nag alit sa pamamaril sa mag-ina na walang kalaban-laban.

Samantala, tumulong naman ang proramang Raffy Tulfo in Action na mahanapan ng mahusay na abogado ang pamilya upang mabigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ina.

Bukod pa umano sa tulong legal na ibinigay ni Tulfo, tinulungan din nya ang naiwang pamilya ng namatay na mag-ina. Nagbigay din si Tulfo ng tulong pinansyal at binigyan sila ng negosyo upang mayroon silang pagkukuhanan ng panghanapbuhay.

Hindi pa natatapos ang bahay nina nanay Sonya noong nangyari ang malagim na pagpatay sa kanila. Kaya naman naging kahilingan din ng kanyang asawa na si tatay Florentino na mapatapos ang kanilang bahay. Naaprubahan naman ni Raffy Tulfo ang kanilang kahilingan.

Makalipas ang ilang lingo ay natapos na ang kanilang 4-bedroom house na napakaganda ng tingnan kumpara noong ito ay hindi pa natatapos.

Hindi man nila mabubura sa kanilang alala ang mapait na pangyayari sa kanilang pamilya, kahit papaano ay maiibsan naman ang kanilang paghihirap dahil sa mga tulong na naibigay sa kanila ni Raffy Tulfo.

“Sir Raffy, maraming-maraming salamat dahil tinulungan mo kami. Lalo na itong bahay na ito na kahit wala ang aking asawa ay parang narito na rin sya dahil alam naming ginagabayan ang aming mga anak at tsaka ang aking mga apo. Nagpapasalamat akong lubos sa inyo sir Raffy. Talagang maaasahan ka. Maraming maraming salamat idol Raffy”, mensahe naman ni tatay Florentino sa programang Raffy Tulfo in Action.

Masayang-masaya ang buong pamilya na naiwan ni nanay Sonya at ng kanyang anak na si Frank. Umaasa sila na darating ang tamang panahon na makakamit din nila ang hustisya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here