Home News Dalawang binatilyo, tinawag na “young heroes” sa paglangoy ng 2 oras upang makahingi ng rescue sa bangkang nasiraan sa gitna ng dagat

Dalawang binatilyo, tinawag na “young heroes” sa paglangoy ng 2 oras upang makahingi ng rescue sa bangkang nasiraan sa gitna ng dagat

0
Dalawang binatilyo, tinawag na “young heroes” sa paglangoy ng 2 oras upang makahingi ng rescue sa bangkang nasiraan sa gitna ng dagat
Sponsored Links

Nakakatakot man pero nakakabilib ang kwento ng dalawang batang lumangoy ng dalawang oras para lamang maisalba ang kanilang mga kasamahan sa sinasakyang bangka.

Nasa byahe n asana umano pauwi sa Balut Island, sa munisipyo ng Sarangani, Davao Occidental ang mga pasahero ng isang bangka nang bigla nasiraan ito ng makina. Nasa kalagitnaan sila ng Sarangani Strait na malayo pa para makarating sila sa dalampasigan.

Upang makahingi ng tulong at marescue ang mga kasamahan, napagdesisyunan nina Pelindo Engkong at Jerick Mabuka na lumangoy na lamang para makahingi ng rescue. Sina Pelindo at Jerick ay nasa 14 at 15 taong gulang lamang.

Kahit walang life jacket o salbabida ay narating ng dalawang binata ang dalampasigan ng Barangay Konel. Gumamit lamang sila ng mga sirang piraso ng ice box para makatulong sa kanila sa paglangoy.

Hindi biro ang lumangoy nang 2 oras sa dagat, at nariyan ang peligro dahil kailangan mong labanan ang mga malalakas na alon. Kaya nakakabilib ang tapang at lakas ng loob nina Pelindo at Jerick.

Pagkarating nila sa naturang barangay ay agad silang tinulungan ng isang pamilya. Pinatuloy sila at pinakain, pinainom ng gatas na mainit upang makatulong sag inaw ng kanilang katawan. Tinulungan din sila ng pamilyang iyon na maisalba ang iba pang kasamahan sa na-stranded na bangka s agita ng dagat.

Siyam lahat ang sakay ng bangka- may mga senior citizens at mga bata kaya naman ay labis ang pasasalamat at papuri ng mga pamilyang natulungan at ng mga netizens dahil sa angking galing at tapang ng dalawang bintang tinaguriang “young heroes”.

Nagpahayag naman ng paghanga ang kamag-anak ni Pelindo Engkong na si Aphro Dite na nag-post kung gaano siya ka-proud sa dalawa. “Maka-proud kayo, boys. Sila ang nagligtas sa kanilang mga kasamahan at kung hindi dahil sa kanilang dalawa hindi na sila makikita pa. Nilangoy nila mula sa kalagitnaan ng Balangonan at Balut papunta sa Barangay Konel para makahingi ng tulong. Dalawang oras silang naglangoy gamit ang ice case na kanilang hawak.”

Sana ay hindi na maulit ang ganitong pangyayari, at kung hindi man inaasahan ay mas mainam na mayroong mga life jackets sa loob ng bangka upang mas masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here