Sponsored Links

Hindi nasusukat ng yaman ang kaligayahan ng tao. May mga taong halos nasa kanila na lahat ng mga material na bagay ngunit may kalungkutan pa rin na nadarama. May mga tao naming salat man sa yaman ay kontento parin at masaya. Walang perpektong buhay ika nga.

credit to Don Dizon | Facebook

Samantala, isang malaking hamon naman ang pinagdadaanan ng mga single moms at dads. Ang magpalaki ng mga anak na mag-isa ay hindi biro. Nariyan ang pressure at stress lalo na sa tuwing may mga bagay na kailangan ang gabay at presensya ng magulang ngunit kakayanin nalang ng mag-isa.

credit to Don Dizon | Facebook

Kamakailan lang ay isang single dad ang kinagiliwan sa kanyang pagbabahagi ng kwento ng kanyang buhay bilang isang single parent. Siya ay si Don Dizon.

Naging trending sa social media ang kanyang post na larawan kasama ang kanyang tatlong anak. Napakaganda ng bagong bahay na kanyang napundar para sa kanyang pamilya. Subalit sa kabila ng kanyang tagumpay ay tila hindi pa rin ito lubusang masaya.

credit to Don Dizon | Facebook

“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own.’ Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,” pahayag ni Don sa kanyang post.

credit to Don Dizon | Facebook

Ngunit pabiro pa umnong nagwika si Don na kulang nalang ang ilaw ng tahanan para lumiwanag ang kanilang buhay.

Sa post ni Don ang magiging “ilaw ng tahanan” ay makakatanggap ng panimulang bayad na Php15,000 at dagdag pa ay may mga benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth, at Life Insurance.

credit to Don Dizon | Facebook

“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises go to God because he is the greatest!” dagdag pa niya.

credit to Don Dizon | Facebook

Bukod pa sa mga benepisyong makukuha ng aplikante, may pahabol pa si Don, at ayon sa kanya ay bibigyan nya din ng Php 5, 000 na pang online shopping ang makakapasang aplikante. Depende pa rin ito kung palaging magiging malinis ang kanilang bahay. Marami naman ang mga netizens na nag komento at nagta-tag sa kanilang mga kakilalang single moms para makita ang naturang post ni Don.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here