Sponsored Links

Kamakailan lamang ay ginulat tayo ng mga larawan sa social media na nagpapakita ng mga sanggol na nakabalot sa putting tela at nasa kalye habang maraming tao ang tila nasa komosyon sa kanilang palibot.

Ang mga naturang sanggol ay mga nailigtas sa sunog na naganap sa Philippine General Hospital nito lamang. Malaki ang pasasalamat ng mga tao noong nalaman nilang nailigtas ang mga sanggol na ito mula sa peligro at panganib ng trahedya.

credit to Kathrina Bianca Macababbad | Facebook

Ayon sa isa sa mga frontliners ng naturang ospital na si Kathrina Bianca Macababbad, ginawa nila ang lahat para lamang maisalba ang mga sanggol. Ayon pa sa kanyang post sa Facebook, iyon na raw marahil ang kanyang “longest night shift duty”, dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Pagsasalaysay ni Kathrina, nag-eenjoy pa raw siya sa pagpapaligo ng mga sanggol nang may biglang nagsabi sa kanya na kailangan nilang lisanin agad ang ospital dahil may sunog na nangyayari. Dali-dali at unang inilabas ni Kathrina ang mga sanggol na kayang huminga nang walang ventilator at di naka-intubate. Ngunit lima raw sa anim na pasyente nito ang naiwan dahil hindi pwedeng basta-basta ilabas dahil sila ay dependent pa sa ventilator.

credit to Kathrina Bianca Macababbad | Facebook

Noong nailabas na nila ang ibang mga sanggol ay dali-dali nilang binalikan ang iba pa, kasama ang kanyang katrabaho na si Jomar Mallari. Gumamit sila ng ambu-bag para makahinga ang mga sanggol na dependent sa ventilator at kumuha din sila ng mga medical supplies na kailangan ng mga babies.

credit to Kathrina Bianca Macababbad | Facebook

“Thank you, Lord for the unwavering strength and courage!!! Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko”, pahayag ni Kathrina.

Sa kabuuan, lahat ng mga sanggol (35/35) mula sa 4th floor NICU ng PGH ay ligtas na nailabas matapos ang paulit-ulit na pag-akyat baba at palabas sa ospital. Mayroon ding mga names tags ang bawat baby kaya naman ay wala umanong dapat ipag-alala sa kanilang pagkakakilanlan.

credit to Kathrina Bianca Macababbad | Facebook

Samantala, marami namang netizens ang humanga sa kabayanihan na ginawa ni Kathrina, kaya naman ay umabot na sa mahigit 400k reactions at 125k shares ang kanyang post sa social media.  Nagpasalamat din si Kathrina sa lahat ng mga doktor, nurse, NAs, UW, security guard, RTs at bumbero ng ospital na hindi alintana ang pagod at hirap masalba lamang ang buhay ng mga pasyente.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here