Home News Dating bagsak sa kolehiyo may pinatunayan, ngayon dalawang licensure exams ang ipinasa

Dating bagsak sa kolehiyo may pinatunayan, ngayon dalawang licensure exams ang ipinasa

0
Dating bagsak sa kolehiyo may pinatunayan, ngayon dalawang licensure exams ang ipinasa
Sponsored Links

Hindi mo nga naman masasabi ang kapalaran basta pagsikapan mo lang ang nais mo matutupad mo ito, Ito ang nangyari sa isang kolehiyo na madalas bumagsak sa kanyang mga subjects noong nag-aaral pa ito. Siya si Prince Charles Agtarap Pascua na taga Candon City, Ilocos Sur.

Ngunit tila ang hirap ng pangyayaring naranasan niya noong kolehiyo ito ay naging daan para magbigay kagalakan sa kanyang mga magulang. Kung noon ay panay bagsak ito ngayon naipasa ni Prince Charles ang licensure exams para sa electrical engineers at master electricians.

Naging maganda din ang resulta nang ilang ulit na pagkakaudlot ng kanyang pag-susulit para sa nasabing kurso. Dulot ng krisis na dinadanas ng ating bansa at buong mundo. Si Prince Charles ay tapos ng Electrical Engineering mula sa Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus taong 2019. Matapos noon ay nag-take siya ng Registered Electrical Engineer licensure exam sa Baguio City noong September 5-6, 2021, at Registered Master Electrician licensure exam noong September 7, 2021. Sa awa ng may likha sabay na lumabas ang resulta ng exams niya at laking galak niya ng malaman na pasado ito.

Ayon sa kanya “Sobrang saya po. Parang worth it lahat ng sacrifices po ng lahat mula kolehiyo hanggang sa review.

“Given talaga ang failures na darating sa buhay natin, kaya laban lang sa mga kagaya ko na nasubok ng pandemya.”

Ayon pa sa kaniyang magulang si Prince ang kauna-unahang licensed engineer sa kanilang pamilya, kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ng kanyang ama’t ina. Saad pa ni Prince naging inspirasyon niya ang kanyang ama na si Pedro Pascua, isang retired electric lineman. Madalas umano siyang sinasama nito sa opisina at tinuturuan ng mga basic na kaalaman patungkol sa trabaho ng ama niya.

Dagdag pa niya – “Kasi si Papa rin po yung inspiration ko, kasi simula po noong bata pa ako, palagi niya akong dinadala sa office niya, sa work niya sa electric cooperative.

“Tinuturuan ng basic tools and wiring service hanggang napamahal [na sa akin].”

Samantala may tagpong supresa siyang umuwi sa kanilang lugar upang ibalita ang nakamit na tagumapay niya ngunit laking gulat niya na siya mismo ang nasupresa sa makitang may handa at musikong tugtog na animo’y nagmamartsa ito sa isang graduation.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here