Home News Filipina kahanay sina Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg sa pinakakilalang computer programmers sa mundo

Filipina kahanay sina Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg sa pinakakilalang computer programmers sa mundo

0
Filipina kahanay sina Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg sa pinakakilalang computer programmers sa mundo
Sponsored Links

Nakakataba sa damdamin ang isang kababayan natin ay mapabilang sa mga malalaking pangalan sa buong mundo. Siya si Isabel Sieh ng Antipolo City na nagtatag ng The coding school kung saan layunin nito na maturuan computer programming ang mga kabataang babae na tinawag ding the girls will code.

Edad 17 anyos si Isabel ng kumuha ito ng kursong Bachelor in Computer Science sa Stanford University sa California, USA. dahil na rin sa hilig niya sa coding o pagprograma sa computer noong edad 10 pa lamang ito. Nakitaan din siya ng husay sa matematika kaya naman walang duda na napabilang ang ating kababayan sa pitong pinakakilalang computer programmers sa buong mundo sa murang edad nito.

Ayon kay Isabel noong 10-anyos pa lamang siya ay napansin ng kanyang guro ang husay nito sa Math kaya naman sinabihan siya nito na bakit hindi niya subukan ang coding, kung saan hinanap ng talaga kung ang ano ba talaga ang sinasabi ng kanyang guro. Narito ang kwento ni Isabel mula sa isang website na Grid..

““When I was around 10 years old, my teacher saw that I was really interested in math, and he suggested that I try out coding.

“So I looked into it. I basically searched things like ‘How to learn to code’ online.

“The first thing I found was a website called Code Academy that had resources for learning coding.”

Sa husay nga ng dalaga natutunan niya sa murang edad ang mga HTML o HyperText Markup Language, CCC o Common Command Set, at JavaScript. Dagdag pa ni Isabel

“It was really interesting to me because I saw how I could create whatever I wanted. “At the time, I loved playing games on my phone, and I suddenly realized that I had the power to create those games that I loved. “It was really cool for me to see all the things that I could do with coding.”

Ngunit hindi naging madali para sa kanya sa kadahilanan may hinahanap pa ito na nais matutunan kaya naman ang kanyang ina ay kumuha ng isang magtuturo pa kay Isabel.

Nalathala na rin kwento ni Isabel sa iba’t ibang programa kung saan ang bawat taga tanong ay talaga namang namamangha sa kanyang husay. Sa ngayon si Isabel ay may naitatag na paaralan at komunidad na siyang magtuturo sa mga kababaihan ng coding o programming sa murang edad.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here