Sponsored Links

Sadyang bilog ang mundo hindi mo masasabi ang kapalaran ng isang tao, kung nasa ibaba ka man ngayon darating din ang araw na ikaw naman ang nasa itaas basta pagsumikapan mo lamang ito.
Lahat naman ay may tamang panahon para sa ikakaunlad ng ating buhay, huwag mo lamang palampasin kung sakaling dumating ang pagkakataon na ito.

Tulad na lamang ng nangyari sa ating kababayan na si Abby Villanueva, tubong ilocos si Abby na kalaunan ay nangibang bayan at nagtungo sa bansang Hongkong upang doon magtrabaho. Kalaunan lumipad si Abby patungong Canada kung saan namasukan siya bilang Nanny sa loob ng dalawang taon. Matapos mabigyan ng pagkakataon maging permanent resident sa Canada doon na nag-umpisa ang kanyang pakikibaka upang mapaunlad ang buhay.

Ngunit bago pa man naging matagumpay dumanas ang ating kababayan ng matinding pagsubok bukod sa lamig na kanyang nararanasan. May pagkakataong din halos lumobog ang kanyang paa sa yelo dahil na rin wala siyang pambili ng sapatos panlamig ang tanging niya lamang suot ay pangkaraniwang sapatos.

Mahirap man ang pinagdaanan hindi sumuko ang ating kababayan, ayon kay Abby hindi na nito matandaan kung ilang beses siyang nabigo ngunit ang kanyang pangako sa sarili subok lang ng subok hanggang sa makamit mo ang iyong pangarap.

Sa ngayon naitayo na ang kanilang eskwelahan katuwang ang dalawa pa nating kababayan at ito ay tumatanggap na ng estudyante maging international student man ito. Ito rin ang kanyang naging daan upang makatulong sa ating mga kababayan na makapag-aral at kalaunan manatili sa Canada kung nanaisin ng mga ito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here