Sponsored Links

Isang kamangha-manghang kwento ng tagumpay ang ibinahagi ng isang netizen na si John Andrew Dangca na nakipagsapalaran bilang isang OFW sa Australia.

25 taong gulang pa lang ngayon si John Andrew Dangca ngunit is ana syang restaurant owner na nagsimula lamang sa pagiging isang janitor.

credit to John Andrew Dangca | Facebook

Labing-siyam na taong gilang pa lamang noon si John Andrew Dangca noong kinuha sya ng kanyang mga kamag-anak upang magtrabaho at makipagsapalaran sa Australia. Hindi naging madali kay Andrew ang lahat dahil kagaya ng ibang OFW na napapalayo sa pamilya, nakaramdam din sya ng pangungulila sa kanila at “Homesickness” din ang pinaka kalaban sa lahat.

credit to John Andrew Dangca | Facebook

Subalit, hindi nagpatalo si Andrew sa kalungkutan dahil nais nitong matulungan ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Ginalingan nya ang pagtatrabaho at pinasok na rin ang iba’t-ibang sideline upang kumite ng malaking pera.

Naglilinis ng hotel, mall, bahay, at opisina ay tinanggap na rin nya. Nag-aral din sya at pinagsabay ito sa pagtatrabaho. Nagbunga din ang kanyang pagtityaga dahil siya ay nakapagtapos din ng kanyang diploma course at kalaunan ay naging isa syang assistant sa Aged Care Facility sa Australia.

credit to John Andrew Dangca | Facebook

“Maraming mga pagsubok katulad no’ng nakakatulog po ako doon sa train station. Dire-diretso po ako no’n papunta sa kabilang trabaho, ganyan. Sa bus, nakakatulog po. Parang doon na rin po ako nakakapagpahinga,” pahayag ni Andrew.

Pinagsabay nya pa rin ang kanyang janitorial job sa pagiging assistant sa aged care facility at nakapag-ipon ng sapat na halaga upang siya ay makapagpatayo ng sariling Filipino restaurant sa Australia. Pinangalanan nya itong “Salu-salo”.

credit to John Andrew Dangca | Facebook

Naging matagumpay at sinuportahan ng maraming mga Pinoy ang restaurant na naitayo sa Craberra Australia. Nagustuhan nila ito at naging sikat ito sa Filipino Community doon, kaya naman, naging daan din ito upang maging matagumpay si Andrew.

Unti-unti ay natulungan din ni Andrew ang kanyang mga pamilya na lumipat sa Australia at doon na rin mamuhay at makipagsapalaran.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here