Home News Dating water refiller, SM merchandiser, at assistant baker, Isang ganap nang doktor!

Dating water refiller, SM merchandiser, at assistant baker, Isang ganap nang doktor!

0
Dating water refiller, SM merchandiser, at assistant baker, Isang ganap nang doktor!
Sponsored Links

Nakakamangha ang mga taong nakakapagtapos bilang isang doktor ngunit mas mamangha ka kapag nalaman mon a hindi basta-basta ang hirap na pinagdaanan ng isang tao para marating ang kanyang tagumpay sa buhay bilang isang doktor.

Isang nakakabilib na kwento ng tagumpay ang ibinahagi ng netizen na si Rommel Abellar Amos sa Facebook. Ayon sa kanyang post “Let us just treat poverty as a challenge, not an obstacle. I think that my humble beginnings were very deliberate, and I’m grateful for them because I’m not sure I would see my achievements the same way if they were handed to me. So I EARNED them”.

credit: Rommel Abellar Amos | Facebook

Nanggaling umano sa mahirap na pamilya si Rommel at hindi biro ang kanyang pagsusumikap marating lamang ang kanyang narrating ngayon sa buhay. Sa kanyang post, isinalaysay pa ni Rommel ang mga trabaho na kanyang pinasok para lamang matustusan ang kanyang pag-aaral noong bilang nurse.

credit: Rommel Abellar Amos | Facebook

Narito ang ilang kanyang naging karanasan noon sa trabao: Water Refiller at Mega P&F Water Station in 2005, Merchandiser at SM San Lazaro Supermarket in 2006, Marketing Assistant at SYM Motors in 2007, Sales Clerk at SM Megamall in 2008, Assistant Baker at RDA Bakery in 2017.

credit: Rommel Abellar Amos | Facebook

Ibinahagi din ni Rommel ang kanyang mga pinag-aralan at natapos. Patunay na talagang masipag ito at matyaga sa buhay. Doctor of Medicine at Cagayan State University, Bachelor of Science in Nursing at St. Jude College Manila, Bachelor of Arts in Philosophy at Nativity of Our Lady College Seminary.

credit: Rommel Abellar Amos | Facebook

Pagkatapos nyang maging nurse, hindi sya huminto sa pag-abot ng kanyang pangarap na maging isang doktor. Dahil sa kanyang sipag at determinasyon, pati na rin sa kanyang talion, is ana syang ganap na doktor dahil kamakailan lamang ay pumasa sya sa Physician Licensure Examination (PLE). Tinatawag nya ang kanyang sarili bilang “The Poor MD” at ngayon ay nagtatrabaho sa Borongan City Health Office, na nagseserbisyo sa mga tao sa baryo.

Marami naman ang humanga kay Dr. Rommel at naging inspirasyon sya sa maraming tao.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here