Sponsored Links

May mga taong likas na magagaling ngunit hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon dahil sa hirap ng buhay. Subalit, sa tyaga at determinasyon, naghahanap pa rin sila ng pagkakataon na umasenso sa buhay,

Si Abdul Alim ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa India. Dahil sa hirap ng buhay, ninais nitong makipagsapalaran sa syudad. Mayroon lamang syang 1,000 rupees ($13.80 or Php670) sa kanyang wallet at halos naubos ito sa pamasahe lamang sa tren papunta Chennai.

credit: Abdul Alim

Sa loob ng halos dalawang buwan ay wala syang pera kahit pambili lamang ng kanyang pagkain, ngunit hindi sya sumuko. Pinagbutihan nya ang paghahanap ng trabaho hanggang sa pinalad itong matanggap sa Zoho Corporation, isang tech company.

credit: Abdul Alim

Nagtrabaho sya roon bilang isang security guard hanggang sa napansin ito ng isang senior employee na si Shibu Alexis. Tinanong umano ni Shibu si Abdul kung ano ang kanyang natapos sa pag-aaral at kung marunong itong gumamit ng computer.

credit: Abdul Alim

Nag-offer ng training si Shibu kay Abdul upang matutunan ang coding. Pagkalipas ng walong buwan, ang security guard na si Abdul ay nakagawa sya ng isang app na talagang nagpabilib sa senior employee na si Shibu. Dahil sa tyaga ni Abdul sa pagpunta sa opisina ni Shibu pagkatapos ng 12 oras ng kanyang shift bilang security guard, ay nagbunga din ang kanyang pagtityaga.

Dahil sa bumilib si Shibu, inimbitahan nito sa Abdul sa isang interview para bigyan ng bagong trabaho. Noong una ay nagdadalawang isip pa si Abdul na tanggapin ang alok sa kanya dahil wala umano syang natapos na degree sa kolehiyo.

credit: Abdul Alim

Sa ngayon ay ipinagdiriwang n ani Abdul ang kanyang ika-8 na taon sa naturang kompanya at hindi bilang isang security guard kundi isang tech officer.

Marami naman ang humanga kay Shibu dahil sa pagiging bukas sa pagsasanay kay Abdul at sa pagbibigay ng pagkakataon na maipakita ang kanyang kakayanan sa kabila ng walang diploma o degree sa natapos.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here