Sponsored Links

Tunay ngang napakahalaga ng edukasyon sa buhay ng tao. Ito ang nagbibigay daan upang makakuha ng magandang trabaho at magkaroon ng mas maayos at matiwasay na buhay. Ngunit, marami din naman ang pinalad na maging matagumpay sa buhay kahit na hindi nakapagtapos sa pag-aaral, walang diploma o anumang katibayan na may degree na natapos sa kolehiyo.

Samantala, isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang karanasan kamakailan lang na hindi sya natanggap sa trabaho sa kabila ng kanyang natapos sa pag-aaral.

credit: Liverpool Echo

Ayon kay Eve Hammond, na nakapagtapos sa Liverpool John Moores University sa kursong Law, hindi umano sya tinanggap ng isang McDonald’s outlet na maging isang service crew kahit sya ay isang law degree holder.

Habang naghihintay umano sya na maka-hanap ng trabaho ayon sa kanyang kurso, napag-isipan nya munang mag-apply sa nabanggit na sikat na fast food restaurant dahil kailangan nya munang makapagtrabaho at makapag-ipon dahil sa hirap ng buhay ngayon.

Ginalingan naman nya umano sa interview at kampante naman sya na matatanggap sya dahil mayroon na syang experience sa pagtatrabaho bilang waitress noon. Nagulat lamang ito ng nakatanggap sya ng email mula sa McDonald’s at nagsasabi na hindi umano sya natanggap sa kanyang inaplayan.

credit: Liverpool Echo

Ang banggit naman ng ibang netizen sa komento ay baka umano over-qualified si Eve sa trabaho kaya hindi ito tinanggap.

Ayon sa sulat ng McDonald’s napakarami umano ang umaapply sa kanila araw-araw at matinding screening umano ang kanilang ginagawa sa kanilang mga aplikante. Hindi naman pinalad na makuha si Eve upang makapagpatuloy sa pangalawang pagsusubok sa nasabing outlet ng MacDonald’s.

Sa kabila naman ng hindi magandang balita na kanyang natanggap, hindi naman ito nainis o nagkaroon ng sama ng loob.

“I’m not bitter and I wasn’t fuming, it was a throwaway tweet,” banggit ni Eve.

“All this was based around the fact I’ve gone through all that hard work and I’m literally struggling just to even get a non-graduate job” dagdag pa nito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here