Home News Delivery rider, na-Scam ng umabot sa P13k na mga orders mula sa nagpanggap na doctor na customer, tinulungan ng mga netizens mabayaran ang mga inorder

Delivery rider, na-Scam ng umabot sa P13k na mga orders mula sa nagpanggap na doctor na customer, tinulungan ng mga netizens mabayaran ang mga inorder

0
Delivery rider, na-Scam ng umabot sa P13k na mga orders mula sa nagpanggap na doctor na customer, tinulungan ng mga netizens mabayaran ang mga inorder
Sponsored Links

Dahil sa pandemya, naging uso na ang mga food deliveries, at delivery ng mga essential needs ng mga tao. Naging hanapbuhay naman ng marami ang pagiging delivery rider.

Hindi biro ang trabaho ng mga delivery riders. Bumibilad sila sa init ng araw, at minsan ay nababasa ng ulan sa kalagitnaan ng kanilang byahe patungo sa mga customers na umoorder. Doble-ingat din ang kanilang ginagawa para lamang maihatid ng maayos ang mga orders at hindi sila mapagalitan.

Subalit, sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho, may ilang tao pa rin na walang awa at pinagsasamantalahan ang pagkakataon para manloko.

credit to Ronzy Alipato

Ayon sa uploader na si Ronzy Alipato, nakakaawa umano ang delivery rider na si JM Palomo dahil niloko umano ito. Ang delivery rider umano ay na-scam ng humigit sa P13 libong piso na halaga ng mga inorder na pagkain at load ng customer.

Ayon sa pagkukuwento ni Ronzy, may isang nagpanggap umano na doktor na tumawag kay JM at umorder ng mahigit P6000 pesos na pagkain upang ipadeliver sa isang ospital. Habang papunta na umano sa pagdedeliveran si JM ay muli syang konantak ng customer upang magpa-load.

Ayon pa sa kwento, ang sabi umano ng doktor ay e-load ang 5 pang kasamahang doktor. Dahil wala umanong pera si JM, nagsabi umano ang customer na kakausapin nya ang cashier at kumbinsihin na paloadan sila. Nangako pa ang customer na may Innova na sasakyan umano na dadaan upang bayaran ang mga orders at ang load.

Matagal umanong naghintay si JM subalit walang dumating na sasakyan o customer na nagpick-up ng mga pinaorder pati na rin para mabayaran ang load na ilang libo dahil tag P1000 load umano ang pinaload ng nagpanggap na doktor para sa lima pa nyang kasamahan.

credit to Ronzy Alipato

Labis-labis ang pangamba ni JM dahil natatakot sya na hindi nya kayang mabayaran ang mga inorder sa kanyan dahil isa lamang syang delivery rider at maliit lamang ang kanyang kinikita.

Humingi umano ng tulong sa Facebook si Ronzy para matulungan si JM. “P13k IS NOT A JOKE to a simple rider. They have family to feed and have a very risky job too”, pahayag ni Ronzy sa kanyang post.

Bumaha naman ng tulong para kay JM. Marami ang naawa sa kanya at nainis sa scammer na nanloko sa kanya. Paalala naman ng ilang netizens na mag-iingat sa pagtanggap ng mga orders online lalo na kapag ganoon na kalaki ang halaga.

Sobrang nagpapasalamat naman si JM at speechless sya umano sa lahat ng tumulong sa kanya na mabayaran ang mga inorder ng scammer sa kanya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here