Sponsored Links

Ang responsibilidad ng mga magulang sa mga anak ay hindi lamang nasusukat sa pagbibigay sa kanila ng kanilang mga materyal na pangangailan kundi pati na rin ang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Samantala, isang nakakanakaw-atensyon na eksena ang ginawa ng mga concerned citizens at maituturing na good Samaritans dahil tinulungan nila ang dalawang bata na naiwang naka-lock sa loob ng isang sasakyan.

Kinailangang basagin umano ng mga naturang tao ang bintana ng isang Suzuki Ertiga na naka-park malapit sa mga establishments kung saan maraming tao ang dumadaan. Ibinahagi ng Philippines CCTV & DASH CAM Facebook page ang video ng pangyayari.

credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Tumulong din umano ang ilang mga pulis trapiko na mabuksan ang bintana ng sasakyan na hindi ito mabasag subalit wala na umano silang oras dahil nakikita nilang hindi na mabuti ang kalagayan ng dalawang bata sa loob ng sasakyan dahil sa init. Isang nasa 4 o limang taong gulang na bata kasama ang kanyang kapatid na nasa isang taong gulang pa lamang.

Pawis na pawis na umano ang mga bata at matamlay na sila sa loob ng kanilang sasakyan at walang magulang na bumalik agad sa kanila.

credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Labis na nag-aalala ang mga tao lalo na’t limang beses umanong mabilis uminit ang katawan ng mga bata kumpara sa mga matatanda kaya naman ay batid na nila ang panganib noong mga oras na iyon.

Dali-dali nilang binasag ang bintana sa bandang driver’s seat ng sasakyan para mabuksan ang central lock. Mabilis naman nilang dinala ang dalawang bata sa pinakamalapit na air-conditioned na establishment upang bumuti ang kanilang pakiramdam.

credit: Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Pinainom din nila ng tubig ang mga bata at pinunasan ang mga likod dahil basang-basa na sila ng kanilang pawis.

Gumaan naman ang pakiramda ng mga nag-rescue at nasa ligtas na kalagayan na ang dalawang bata at pinagsabihan ang kanilang magulang.

Paalala naman sa mga magulang o kung sino mang may sakay na mga bata o alaga sa loob ng sasakyan na huwag iwanan ang mga bata sa loob ng sasakyan na nakapatay ang air-condition dahil napaka-mapanganib nito lalo na kapag matagal na oras silang naroon sa loob ng sasakyan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here