Home News Milyonaryang Kasambahay sa Dubai, Pinili pa ring maglingkod sa kanyang amo kahit na ito ay isang na milyonarya

Milyonaryang Kasambahay sa Dubai, Pinili pa ring maglingkod sa kanyang amo kahit na ito ay isang na milyonarya

0
Milyonaryang Kasambahay sa Dubai, Pinili pa ring maglingkod sa kanyang amo kahit na ito ay isang na milyonarya
Sponsored Links

Malaki ang naitutulong ng mga kasambahay sa mga pamilyang nangangailangan ng katuwang sa loob ng bahay para sa mga gawain. Madalas ay tinitiis nila ang hirap na mapalayo sa kanilang sariling mga anak at pamilya para lamang makapagtrabaho.

credit to gma pinoy tv | yt

Samantala, isang kasambahay naman ang ipinarangalan na “UAE Best Nanny Award” sa Dubai. Sya ay si Rosie Vargas Villa na nakatanggap ng premyong isang milyong piso sa nasambit na patimpalak. Sa laki ng kanyang natanggap na pera ay maari na syang umuwi sa Iloilo sa kanyang pamilya.

credit to gma pinoy tv | yt

Subalit mas pinili umano ni Rosie na manatili pa rin sa kanyang pinagtatrabahuhan. Magtatatlong taon na rin ang nakalipas pagkatapos syang Manalo bilang best nanny at naroon pa rin sya sa pamilya ng kanyang amo ngayon sa Dubai.

credit to gma pinoy tv | yt

Ilang taon na din na nagtatrabaho bilang kasambahay si Rosie at iba’t-ibang mga lugar na din ang kanyang pinanggalingan. Nakapagtrabaho na umano sya sa Hongkong, Singapore at India.  Noong sya ay sa Hongkong, dalawa umano ang kanyang amo at nahirapan din sya dahil wala syang pahinga, at dalawang oras lang ang kanyang tulog. Sa India naman ay masyadong istrikto ang kanyang employer at hindi sya masyadong nakakalabas.

credit to gma pinoy tv | yt

Ni-refer sya umano ng kanyang dating amo sa kanyang employer ngayon sa Dubai at mapalad umano ito dahil napakabait ang pamilya ng kanyang amo ngayon.

Maganda umano ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga amo.

credit to gma pinoy tv | yt

“Yung trabaho mapupunan ko, mahahanap ko. Pero yung mga bata.. mga anak ko na sila, tsaka parang kapatid na ang turing ko sa amo ko. Sya na po ang shoulder to cry on ko e”, banggit pa nito sa isang panayam.

Mahal nya din umano ang kanyang pamilya ngunit hanggat kaya at malakas pa umano si Rosie ay magtatrabaho pa rin sya sa Dubai at hindi nya pa rin kayang iwan ang kanyang trabaho doon dahil labis na rin na napamahal sa kanya ang pamilyang kanyang inaalagaan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here