Sponsored Links

Literal na “Love is Blind” ang motto ng mag-asawang Julius at Marivic Munoz na sa kabila ng kanilang kapansanan na pagiging bulag, ay naitaguyod nila ang kanilang malaking pamilya. Ang mag-asawa ay mayroong walong anak at sila ay nakatira sa Mabalacat City, Pampanga.

13 years nang nagsasama sina Julius at Marivic. Nagtatrabaho bilang isang singer at frontliner si Julius, samantalang, masahista naman ang kanyang asawang si Marivic. Sa kabila umano ng kapansanan ay silang dalawa lamang ang nag-alaga at nagpalaki ng kanilang mga anak ng walang tulong ng kasambahay.

“Sobrang proud po ako kasi napapakain kami nang maayos,” kuwento ng anak na si Janella, na proud na proud naman sa kanyang mga magulang.

Unang nagkakilala umano sina Julius at Marivic sa School for the Blind sa Maynila noong 2005 noong may inihatid si Julius na estudyante na kaklase ni Marivic. Simula noong ay naging malapit na ang kanilang loob sa isa’t-isa. Subalit malaking pagsubok din ang kanilang pinagdaanan dahil tutol umano ang pamilya ni Marivic kay Julius.

Upang maipagpatuloy ang pagmamahalan, itinanan umano ni Julius si Marivic muna sa Cavite patungong Pampanga. Doon na sila nagsimulang nagkaroon ng sariling pamilya at nabiyayaan ng mga anak. Sa walong anak, 11 taong gulang ang kanilang panganay at 3 buwan pa lamang ngayon ang kanilang bunsong anak. May dalawang anak rin umano si Julius sa pagkabinata.

Samantala, dahil sa pandemya ay nahirapan ngayon sina Julius at Marivic na maghanap buhay. Wala nang masyadong imbitasyon kay Julius sa pagkakanta, at wala na rin masyadong customers si Marivic sa kanyang pagmamasahe.

Nagunit, hindi ito naging hadlang upang sumuko ang mag-asawa. Naghanap sila ng ibang paraang uapang maitaguyod ang kanilang pamilya.

At dahil online na ang new normal sa panahon ngayon, naisipan ni Julius na kumanta online kasama ang kanyang banda ‘Banda Alyansa Kapampangan’ at patuloy na nagseserbisyo bilang isang frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat.

Nagpapasalamat din sila sa mga may pusong mga kaibigan na nagpapa-abot ng tulong sa kanila.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here