Sponsored Links

Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang negosyo ay maayos at maganda ang kita. May mga hirap din na pinagdadaan lalo na ngayon na dumating ang matinding pandemya. Marami ang mga kompanya ang naapektuhan at maraming mga tao ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay.

Samantala, sa Kuala Lumpur Malaysia, isang matandang taga-linis ng opisina ng isang kompanya ang napilitan din na tumigil sa trabaho dahil kailangan ng mag-relocate ang kompanya na kanyang pinagtatrabahuhan at hindi na mare-renew ang kanyang kontrata bilang cleaner.

Subalit matagal na ito sa kompanya at napamahal na sa kanya ang kanyang mga kasamahan doon na mga empleyado ng opisina, naisip nil ana bigyan sya ng isang regalo at bilang remembrance niya sa kanila.

Ayon sa Twitter post ni Izwan Sajjer (@IzwanSajjer) nag-ambagan sila ng kanilang mga kasama upang bilhan ng regalo ang matandang cleaner. May kalakihan din ang kanilang inilaan nap era dahil binilhan nila ng mamahaling gold bracelet ang matandang babae.

Ayon kay Izwan, matagal na umano si Kak Jati na naglilinis sa kanilang opisina at hindi lamang iyon ang kanyang naitulong sa kanila dahil nagsilbi na rin umano syang pangalawang ina sa ilan sa kanila.

Mabait umano ang matanda at maalaga sa kanila ni Izwan kaya nalulungkot din sila at nanghihinayang na hindi na nila makakasama ang matanda sa trabaho. Naisin man nil ana ipagpatuloy ni Kak Jati ang kanyang trabaho ngunit hindi rin possible sa kanya dahil nasa Petaling Jaya na ang kanilang magiging bagong opisina. Hindi rin naman maaring iwanan ni Kak Jati ang kanyang pamilya para sa trabaho.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Izwan sa kanyang Twitter na sila mismo ang nagsuot ng gold bracelet sa kamay ng matanda. Nasurpresa naman si Kak Jati at naluha sa pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Ayon kay Izwan, pinili umano nil ana mamahaling bracelet ang iregalo upang maaring isanla ni Kak if mangangailangan sya ng pera dahil baka hindi sya agad-agad na makakahanap ng bagong trabaho.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here